Cherry Pie Picache answers "cougar" comment of a netizen on her photo with son

by Arniel C. Serato
Jan 8, 2021
Cherry Pie Picache son Antonio Tria Boracay
Cherry Pie Picache posts beach photo with son Nio Tria: "Love building memories with this man."
PHOTO/S: Courtesy: @yescppicache on Instagram

Hindi ikinagalit ng beteranang aktres na si Cherry Pie Picache ang pagtawag sa kanyang "cougar" ng isang netizen.

Noong Miyerkules, January 6, nag-post si Cherry Pie ng larawan niya habang nasa beach sa Boracay. Kasama niya rito ang isang guwapong binata.

Bahagi ng caption ng 50-year-old actress: “Love building memories with this man @niotria."

Isa netizen kaagad ang nagkomento rito.

Tinawag nitong “cougar”—o may edad nang babae na pumapatol sa mas batang lalaki—si Cherry Pie.

Komento ng netizen: “You "cougar" you! Good for you. Enjoy life to the fullest.”

Sa halip na magalit, mahinahon at marespeto itong sinagot ni Cherry Pie.

Dito ay nilinaw ng aktres na ang lalaking kasama niya sa larawan ay ang kanyang anak na binata, na tinawag din niyang “the only man in my life.”

Mensahe ni Cherry Pie: “He is my son and the only man in my life."

Netizen Cherry Pie Picache cougar

Continue reading below ↓

Medyo nahimasmasan naman ang netizen. Kaagad itong humingi ng paumanhin sa kanyang nasabi.

Mensahe nito, “@yescppicache i am very sorry for my wrong interpretation. Sorry again.

"May God continue to bless you both with endless love and togetherness. I have been your fan forever due to your beauty and spirituality."

Netizen sorry Cherry Pie Picache

Continue reading below ↓

ANTONIO TRIA

Ang kasama ni Cherry Pie sa larawan ay si Antonio "Nio" Tria, anak ng aktres sa kanyang partner na si Gary Tria.

Sa isa pang post ni Cherry Pie kahapon, January 7, na kuha pa rin sa Boracay, makikitang ipinagdiwang nila ang ika-50 kaarawan ni Gary.

Sabi ng aktres, “About last night. To the father of our amazing son, a best friend, and family... Happy happy golden Gary!!!

“May our good Lord bless your gift of life abundantly!!!

#fatherandson #goldenboy #proudandhappyparentshere #celebratelife

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cherry Pie Picache posts beach photo with son Nio Tria: "Love building memories with this man."
PHOTO/S: Courtesy: @yescppicache on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results