Angelica Panganiban, Agot Isidro, Karen Davila counter President Duterte’s presidency-not-for-women remarks

by Jet Hitosis
Jan 15, 2021
Angelica Panganiban, Agot Isidro, Karen Davila
(L-R) Actresses Angelica Panganiban, Agot Isidro, and broadcast journalist Karen Davila's personal tweets incite women empowerment feels following President Rodrigo Duterte's statement that being a president is not a woman's job.
PHOTO/S: @iamangelicap, @agotisidro, @iamkarendavila on Instagram

Para kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi raw trabahong “pambabae” ang mamuno sa isang bansa.

Magkaibang-magkaiba raw kasi ang “emotional setup” ng babae sa lalaki, ayon sa 75-year-old leader, at hindi raw biro ang maging isang presidente.

Sinabi ito ni Duterte upang kumbinsihin ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na huwag kumandidato sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Kasunod ito ng pangunguna ni Mayor Sara nitong December 31 sa Pulse Asia survey ng mga posibleng manalo sa presidential elections sa susunod na taon.

Twenty-six percent ng mga nakibahagi sa nationwide survey noong November 23, 2020 hanggang December 2, 2020 ang nagsabing susuportahan nila si Mayor Sara sakaling kumandidato ito sa pagkapangulo.

Kasunod ng presidential daughter, kapwa 14% ang nakuha nina dating Senator Bongbong Marcos at incumbent Senator Grace Poe; 12% ang pumabor kay Manila Mayor Isko Moreno; at 10% naman kay Senator Manny Pacquiao.

“MY DAUGHTER IS NOT RUNNING… HINDI ITO PAMBABAE”

Nitong Huwebes, January 14, sa pagdalo ni Pangulong Duterte sa inagurasyon ng Metro Manila Skyway Stage 3 sa Quezon City ay inanunsiyo niyang hindi kakandidato sa pagkapresidente ang kanyang anak.

Continue reading below ↓

“My daughter, inuudyok man nila,” ani Duterte.

“Sabi ko, ‘My daughter is not running.’

“I have told Inday [Mayor Sara] not to run kasi naaawa ako sa dadaanan niya na dinaanan ko.

“Hindi ito [presidency] pambabae.

“Alam mo, the emotional setup of a woman and a man is totally different.

“Maging g*go ka dito,” pahayag ng Pangulo sa harap ng mga opisyal ng gobyerno at ilang negosyante.

Bukod sa Davao City mayor, anak din ni Pangulong Duterte sina Davao City 1st District Representative Paulo “Pulong” Duterte, Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte, at Veronica “Kitty” Duterte.

ANGELICA PREFERS THE “ACTING PRESIDENT NA BABAE”

Hindi nga ba kuwalipikado ang mga babae para pamunuan ang isang bansa?

Hindi kumporme rito sina Angelica Panganiban, Agot Isidro, at Karen Davila.

Tweet ni Angelica, 34, nang araw ding iyon: “Dun ako sa acting president na BABAE.”

Continue reading below ↓

Walang follow-up tweet si Angelica sa post niyang ito kaya hindi malinaw kung sino ang babaeng gusto niya bilang “acting president.”

Pero sa comments section, ang Twitter followers ni Angelica ang nagsabing si Vice President Leni Robredo raw ang tinutukoy ng Kapamilya actress.

Dahil dito, umani ng magkakasaliwang komento ang tweet na ito ni Angelica.

May mga sumang-ayon sa post niyang iyon, pero nakatikim din siya ng kabi-kabilang pamba-bash mula sa mga tagasuporta ni Pangulong Duterte.

At press time, mayroon nang mahigit 47,000 likes, halos 4,000 retweets, at lampas 800 comments ang tweet na ito ni Angelica.

KAREN: “WOMEN MAKE GREAT LEADERS”

Kabilang ang 50-year-old broadcaster na si Karen sa libu-libong nag-retweet ng post na ito ni Angelica.

Sa isang hiwalay na tweet nitong Huwebes ng gabi, binigyang-diin ni Karen na, “Women make great leaders.”

Gamit ang “#empoweredwomen,” sinabi ni Karen na kayang-kaya ng kababaihan ang kahit na anong trabaho basta kuwalipikado ito.

Continue reading below ↓

“Yes, the Presidency or any other job for that matter, can be handled by a qualified woman. #empoweredwomen @UN_Women @unwomenasia,” sabi ni Karen.

AGOT CITES EXCEPTIONAL WOMEN LEADERS OF THE WORLD

Ang tweet ni Agot, 54, ang mistulang nagbigay-patunay sa sinabi ni Karen na ang kababaihan ay “great leaders.”

Upang pabulaanan ang sinabi ni Pangulong Duterte, ini-repost ng singer-actress ang isang lumang artikulo ng Forbes Magazine.

Continue reading below ↓

Inilathala online ang artikulo noong April 13, 2020, o ilang linggo makaraang magpatupad ng lockdown ang maraming bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang artikulo ay may titulong “What Do Countries With The Best Coronavirus Responses Have In Common? Women Leaders.”

Sa report, hinimay ng Forbes contributor na si Avivah Wittenberg-Cox ang seryoso, maagap, matalino, at makabagong paraan na ginawa ng kababaihang leaders upang makontrol ang pandemya sa kani-kanilang bansa.

Continue reading below ↓

Pinuri sa artikulo ang mga epektibong estratehiya kontra pandemic nina Chancellor Angela Merkel ng Germany, Taiwan President Tsai Ing-wen, New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern, Iceland Prime Minister Katrín Jakobsdóttir, Finland Prime Minister Sanna Marin, Norwegian Prime Minister Erna Solberg, at Prime Minister Mette Frederiksen ng Denmark.

FORMER PH PRESIDENTS AQUINO AND ARROYO

Bago pa naging pangulo ng bansa si Duterte, dalawang babae na ang naluklok sa puwesto para pamunuan ang Pilipinas.

Ito ay sina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (2001-2010) at Pangulong Corazon C. Aquino (1986-1992).

Si Arroyo ay malapit na kaalyado ni Duterte.

Si Aquino naman ang nag-appoint kay Duterte sa kauna-unahan niyang puwesto sa gobyerno.

Pagkatapos ng EDSA People Power Revolution noong 1986, itinalaga ni Aquino si Duterte bilang officer-in-charge vice mayor ng Davao City.

Makalipas ang dalawang taon, taong 1988 nang kumandidato si Duterte bilang alkalde ng Davao City at nanalo siya.

Simula noon, pinamunuan na ng mga Duterte ang Davao City.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Actresses Angelica Panganiban, Agot Isidro, and broadcast journalist Karen Davila's personal tweets incite women empowerment feels following President Rodrigo Duterte's statement that being a president is not a woman's job.
PHOTO/S: @iamangelicap, @agotisidro, @iamkarendavila on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results