Dalawang beses daw na-postpone ang marriage proposal ni Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez, 46, sa actress-entrepreneur na si Ara Mina, 41.
Ito ang ikinuwento ni Dave sa behind-the-scenes video ng wedding proposal niya sa Ang Probinsyana actress noong January 12.
Lahad niya, “I was planning last December kaya lang napakaraming ano, e, sobrang dami talagang nangyayari.
“So, sabi ko, nung nalaman kong may lock-in [taping] siya, supposed to be January 8, 'tapos na-postpone.
“So, plinano namin na, ‘Magrerehistro na tayo sa San Pedro, sama ka, magrerehistro na tayo tutal dun naman talaga tayo nakatira.’
“'Tapos hindi ganun kasimple, dapat mabilis lang lahat, e.”
Nagtaka rin daw si Ara kung bakit siya pinagbihis nang pormal ni Dave gayong magpaparehistro lamang sila sa city hall ng San Pedro, Laguna.
Sabi ni Ara, “Ito nga, ang plano lang talaga ay mag-register.
"Kaya lang, sabi ko sa bahay, ‘Ba't pinagdi-dress ako, ganun ba mag-ano, mag-register dun sa Laguna, kailangan formal?’
“Kasi naka-jeans ako kanina.”
Aminado si Dave na kinabahan siya dahil ito raw ang unang beses na ginawa niya ito kahit may isa na siyang anak sa dating nakarelasyon.
Aniya “Ninerbiyos ako, for the very first time, hindi ko naman nagawa itong ganito, e. So, this is my very first time.”

“I REALLY HOPE IT WILL LAST FOREVER.”
Aminado si Ara na na-mental block siya nang nakita niya ang mga bulaklak sa veranda ng city hall.
Lalo raw siyang ninerbiyos nang nakita niya ang anak na si Amanda Gabriel, anak ng aktres sa dating karelasyong si Patrick Meneses.

Lahad ni Ara, “Sabi niya, 'Pumunta tayo dun sa session to meet yung mga councilors,’ ganyan.
“Sabi ko, ‘Hindi ba nakakahiya, baka may session sila ngayon?’
“'Tapos pagpasok namin dito, parang wala namang session.
“Tapos akala ko nandito sila sa veranda kaya pumunta kami.
“Nagulat ako kung bakit may mga bulaklak, na-mental block na ako nung nakita ko ‘to.
“Di pa nagsi-sink in sa akin kasi, lalo na nung ipinakita niya sa akin yung ‘Will you marry me.’
“Parang nakalutang ako kasi pag nanonood lang ako ng mga proposal videos, naiiyak ako.
“'Tapos iba pala ang feeling, 'tapos, ‘Is this happening? Am I dreaming?’
“Kasi parang ganun yung feeling. 'Tapos nakita ko yung anak ko. ‘So, planado pala ‘to?’"
Umaasa naman si Dave na si Ara na ang kanyang makakasama habambuhay.
Aniya, “I really hope na it will last forever. Yun lang naman ang ano ko, alagaan ko siya. Alagaan niya rin ako.
"And alam ko, siya na. After all the experience ko sa buhay ko, alam ko, siya na.”
Sabi naman ni Ara, “Alam niya ano ang priority ko sa buhay ko, e.”
Sabat ni Dave, “Ako na ang priority?”
Nakangiti pero naluluhang sagot ni Ara, “Siyempre.”
Sa maiksing palitan ng mensahe ng PEP.h (Philippine Entertainment Portal) kay Ara ngayong araw, January 15, sinabi nitong ngayong taon mangyayari ang kasal nila ni Dave.
Aniya, "This year din, 2021."
Pero wala pang tiyak na petsa ito.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
