PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Manzano in choosing COVID-19 vaccine brand

Luis Manzano asked if he is willing to get COVID-19 vaccine.
by Bernie V. Franco
Published Jan 16, 2021
Luis Manzano weighs in on COVID-19 vaccine: “Ako ‘no, naniniwala ako sa mga bakuna. Naniniwala ako sa kumbaga bakunado din ako."
PHOTO/S: Facebook (Luis Manzano)

Handa raw si Luis Manzano, 39, na magpabakuna kontra COVID-19 kapag nagkaroon ng pagkakataon.

Paliwanag ng ABS-CBN host, naniniwala siya sa pagiging epektibo ng bakuna bilang lunas sa COVID-19. Pero kokonsulta muna raw siya sa kanyang doktor.

Sinabi ito ni Luis matapos siyang tanungin ng isang netizen kung magpapabakuna ba siya ng COVID-19 vaccine.

“Ako ‘no, naniniwala ako sa mga bakuna. Naniniwala ako sa, kumbaga, bakunado din ako…" ani Luis sa kanyang Facebook Live ngayong Sabado ng hapon, January 16, 2021.

“Pero ang sa akin, papakinggan ko kung ano ang sasabihin ng doktor ko kung anong brand ang pinakamaganda.

“Siyempre, ako mismo dahil hindi ko naman napag-aralan ‘yan, di ko naman alam, kumbaga, ang mga detalye ng isang vaccine.

“Basta sa akin, ang papakinggan ko kung anong sasabihin ng doktor ko.”

Giit ni Luis, “Naniniwala ako sa mga vaccine.”

Sa katunayan daw, nagtatanong na siya sa mga eksperto tungkol sa mga vaccine na pinag-uusapan ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Inaantay ko siyempre kung ano ang sasabihin nila," dagdag ni Luis.

Bagamat marami raw nababasa tungkol sa mga bakuna, iba pa rin daw kapag ang mga eksperto ang kinonsulta tungkol dito.

“Dahil madali namang magbasa, pero pagdating sa mga detalye ng vaccine, e, papakinggan ko yung napag-aralan nila nang sobra-sobra.

“Basta ako, whether it be Pfizer, Moderna or Sinovac, basta basically all brands, pinapakinggan ko kung ano ang sasabihin ng doktor ko kung anong pinaka-okay para sa amin.”

Mainit na usapin ngayon kung ano sa mga available COVID-19 vaccines ang pinakaepektibo at pinakaligtas piliin.

Halimbawa sa Pilipinas, kontrobersiyal ang Sinovac mula sa China dahil napaulat na mas mababa ang porsiyento ng pagiging epektibo nito kumpara sa ibang brands ng vaccine.

Nariyan pa ang isyu ng pagiging mahal nito at may record ng pagkakaantala ng clinical trials nito.

Pero sa kabila ng mga isyung ito, ito ang vaccine na pinapaboran ng administrasyong Duterte sa plano nilang pagsasagawa ng mass vaccination.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpahayag na rin ng opinyon ang iba-ibang personalidad, gaya ng mga artista at pulitiko, hinggil sa isyu ng COVID-19 vaccine.

Karamihan sa kanila, pinuna ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na minamasama ang pagiging “choosy” ng publiko pagdating sa brand ng vaccine.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano weighs in on COVID-19 vaccine: “Ako ‘no, naniniwala ako sa mga bakuna. Naniniwala ako sa kumbaga bakunado din ako."
PHOTO/S: Facebook (Luis Manzano)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results