Jomari Yllana breaks silence on new accusations of ex-partner Joy Reyes: "Pwede bang wala namang siraan?"

by Arniel C. Serato
Jan 18, 2021
Jomari Yllana Joy Reyes Meralco bill issue
Jomari Yllana lashes back at ex-partner Joy Reyes: "Ako na nagbabayad ng bahay, yung food nila, yung vitamins ng babies, clothes. Kumbaga, food, shelter, and clothing. 'Tapos malaman-laman namin, yung gatas ng anak ko, ibinibenta online?"
PHOTO/S: Arniel Serato

Nagsalita na ang actor-politician na si Jomari Yllana ukol sa bagong paratang sa kanya ng dating live-in partner na si Joy Reyes.

Pinaratangan ni Joy si Jomari sa hindi raw nito pagtupad sa kanyang tungkulin bilang ama ng kanilang dalawang anak na lalaki.

Noong Biyernes, January 15, nag-post si Joy sa Instagram tungkol sa kinahaharap na problema nilang mag-iina.

Ayon kay Joy, naputulan ng kuryente ang kanilang tirahan dahil napabayaan ang kanilang electric bill na umabot ng PHP100,238.38.

Ang due date nito ay noon pang December 9, 2020.

Kalakip ng larawan ng electric bill ay larawan ng dalawang anak nila ni Jomari na magkatabing natutulog.

Dumedede sa feeding bottles ang dalawang maliliit na bata sa medyo madilim na kapaligiran.

Sa mahabang caption ni Joy, agaw-pansin ang patutsada niya tungkol sa pagpapabaya ng isang ama sa kanyang mga anak.

Malinaw na ang pinariringgan niya rito ay walang iba kundi si Jomari.

Hindi na nakatiis si Jomari sa rants na ito ng dating partner.

Ito ang dahilan kaya nagpaunlak ang konsehal ng first district ng Parañaque ng eksklusibong panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Lunes, January 18.

Naganap ang panayam sa isang coffee shop sa Evia Mall, Las Piñas City.

Ito raw ang una't huling beses na magsasalita si Jomari tungkol sa isyu.

“I PAY FOR EVERYTHING NAMAN”

Unang nilinaw ni Jomari ang pahiwatig ni Joy na hindi siya nagpapadala ng pera kaya naputulan ng kuryente ang bahay na tinitirhan ng kanilang dalawang maliliit na anak.

Saad niya, “Well, Meralco, actually unang reaction ko, hindi naman ako naniniwala talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, I had to check kung totoo kasi ano naman kami, e, minsan may mga konting delays dahil sa pandemic.

“And then, I pay for everything naman. Lahat naman ng bill ng kuryente, never naman sila nagbayad.

“So I think, mga two years na 'yan na ganyan. Of course, nung pandemic may mga delay-delay.

“Last payment ko was September. So, na-inform ako na putol na through her rant, yung social media."

Patuloy ni Jomari, “Yung magbayad ako ng Meralco, hindi ko naman nakuha through a billing statement.

"Yung bayad ko sa Meralco ay nakuha ko sa social media na ako’y may direct messaging minsan, may mga mura pa.

“Nakakatikim pa ako ng mura, ‘Bayaran mo bill mo, isandaang libo.’

“Although pinakita naman sa akin yung post na P100,000 nga, sa post niya, na P100,000, ipinadala sa akin, may nag-tag sa akin ng picture.

“Although, parang may first reaction is, parang, to have it check. Kasi nasa Bicol ako.

"Naputulan... hindi naman kami, ako, at saka yung mga sekretarya ko, hindi naman kami… anticipating na may maputol kami, parang ganyan.”

“WALA NAMANG SIRAAN”

Ipinagtaka raw ni Jomari kung bakit ganun kalaki ang bill sa Meralco ni Joy.

“Although yung sa akin lang, hindi talaga ako naniniwala kasi, unang-una, paano naman nakapag-post, phone, internet?

“E, pati naman internet diyan, ako nagbabayad. So, bakit may internet?

“So, pina-check ko.”

Na-confirm daw ng kanyang staff na lagpas isandaang libo nga ang billing ng kuryente ng ex-partner niya.

Lahad ni Jomari, “Nung pina-check ko, chineck ng staff ko on a Saturday [January 16], na-check, confirmed nga, naputulan nga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Chineck namin yung bill, so P100,000 yun.

"Huling payment ko September. E, di naka-consume siya ng P33,000 a month?"

May mensahe pa siya sa dating partner na tinawag niyang "Miss Reyes."

Ani Jomari, "Ang message ko lang sa kanya, yung buong pamilya ko, pinakisamahan naman namin siya, e.

“Ni isang beses, hindi siya nakarinig ng hindi maganda tungkol sa sarili niya, wala siyang naririnig na hindi maganda.

“Buong pamilya ko, tinanggap siya. Dati, buong pamilya ko, tinanggap siya nang buong-buo. Pinakisamahan siya.

"And my family loved her, for what’s it’s worth, yung panahon na maayos pa kami.”

Kasunod nito, nakiusap si Jomari sa dating karelasyon na huwag siyang siraan at ipu-post pa sa social media.

“Pero, utang na loob, wala namang siraan.

“Kasi ang pamilya, hindi ganyan. Ang pamilya ko, hindi marunong manira ng tao. Hindi marunong pumatol sa babae.

"Ni minsan nagkakaroon kami ng controversy, nung minsan na-Tulfo pa nga kami kasi meron naman kaming kaso with..."

"Pero pagdating sa personal na buhay, hindi kami mahilig makipagtalo or makipag-away sa ganyan."

Ang tinutukoy ni Jomari na "na-Tulfo" sila ay ang reklamo laban sa kanilang pag-aaring paaralan, ang Yllana Colleges, noong 2019.

Pakiusap pa niya kay Joy: “So, ang ano ko lang, Miss Reyes, pwede bang wala namang siraan?

“Napalaki naman kami nang mabuti ng magulang namin na makitungo sa kapwa katulad ng kapwa-tao at makipagkapwa sa tao.”

“HUWAG MO NA IDAMAY CONSTITUENTS KO”

Ipinagtataka rin daw ni Jomari kung bakit puno ng galit ang puso ni Joy.

Pahayag niya, “Hindi ko alam kung saan mo nakuha 'yan o natu-tolerate ka ba ng pamilya mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di ko alam kung 'yan talaga ang papel mo sa mundo.

“Ang sa akin lang, tama na, tatlong taon mo na akong binabanatan, e. Kasi three years na.

"Pag nasira yung bubong ng bahay, nagsu-social media ka.

“Pag nasira kisame ng bahay, pa-social media ka. Nung nasira ang banyo ng bahay, social media ka.

“Nung minsan nasira yung bubong ng bahay, nagpunta yung handyman ko, inireklamo mo sa barangay, pinakulong niyo pa.”

Nakiusap din si Jomari na huwag nang idamay ni Joy ang kanyang constituents sa Parañaque.

Bahagi kasi ng post ni Joy nung Biyernes: “Since he blocked all means of communication, to those who know this guy, Kindly inform this ‘Honorable’ COUNCILOR of District 1 PARANAQUE JOMARI YLLANA that his children are sweating in the dark & this is making it worse for Fangio who's been having fever for a few days now.

“So many other issues of abuse that I'm trying so hard not to mind for the time being but directly harming the babies this way can't be tolerated.”

Reaksiyon dito ni Jomari, “Kung kayo ay nagkaroon ng kaligayahan, o ikaw nagkakaroon ka ng kaligayan sa ginagawa mo...

“Ako, hindi ako sumagot, tatlong taon na binanatan mo ako nang ganyan.

“At yung post mo, regular, hindi siya seasonal. Regular, once a month meron ka.

“Huwag mo na idamay constituents ko, hindi ka naman taga-Parañaque.

“Nabulabog mo pa sila.”

JOY reyes SELLS GOODS INTENDED FOR THEIR SONS online?

Ayon kay Jomari, patuloy na sini-settle ng kanyang staff ang Meralco bill ni Joy.

Lahat daw ng suportang kailangan ng kanyang mga anak ay ibinibigay niya. Pero nalaman daw nilang ibinibenta umano online ang gatas ng kanyang mga anak.

Detalye pa niya, “Alam mo, hindi ko na nga pinatulan, e. Everything in that house is provided for.

"Ako na nagbabayad ng bahay, yung food nila, yung vitamins ng babies, clothes. Kumbaga, food, shelter, and clothing.

“'Tapos malaman-laman namin, yung gatas ng anak ko, ibinibenta online?

“Hindi na namin 'yan pinatulan. Kinasuhan ka ba namin? Hindi.”

Paano nila ito nalaman?

Ayon kay Jomari, “Ang sabi ng staff, ‘Boss, meron ho kaming ano, tsekin namin to.’ ‘E, di tsekin niyo.’ Tsinek. ‘Boss, confirmed, siya nga yung nagbebenta.’ 'E, di bumili kayo.’

"E, inutusan ko yung staff ko, ‘Bumili kayo.’ E, di nagkaroon ng transaction. Yun na nga, kami may proof na.”

Pati ang pag-i-English ni Joy sa kanyang mga rant ay pinuna ni Jomari.

Natatawa niyang sabi, “Ang sakit sa ulo. I don’t know why, trying hard.

"Kailangan ba talagang nag-i-English kapag ano, malalim na English, ginu-Google niya, trying hard, pa-impress?

“Parang pinapalabas niya na wala akong pinag-aralan.

“Yung sa akin naman, simple lang, ang sakit sa ulo, mag-i-English ka nang mag-i-English, maninira ka sa akin, lahat nung paninira niya sa akin, puro English, e.

“Ang sa akin, ayusin niya ang grammar.

"Sabi, ‘lack of apathy.’ Dyusko, apathy na, may lack pa?’

“Ayusin din ang grammar paminsan-minsan.”

JOMARI YLLANA'S MESSAGE TO JOY'S TROLLS

May mensahe rin si Jomari sa mga trolls umano ni Joy na namba-bash sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Kasi pansin ko may mga troll ka, e, yung mga troll mo, banat nang banat sa akin, e.

“Ang sa akin naman, e, tanggapin ko 'yan.

“Kaya lang mga troll, nagtatago, nangba-bash, nagtatago.

“So, ang message ko naman sa mga troll mo, e, ano din kayo, paminsan-minsan, isip-isip din kayo.

“Bini-blame niyo sa akin yung billing, yung electricity bill? Pakita niyo yung pangalan. Pakita niyo yung bill kanino nakapangalan?

“Pangalan ko ba 'yan? I want to see. I challenge you to show the bill, show my name.

“That house is being paid for. So, yung bahay na 'yan ay binabayaran pa.

"Yung electricity bill, hindi pa sa akin, kasi hindi pa siya fully paid.

“I am paying some amount of money every month for the shelter of my children."

Sabi pa ni Jomari, “So, sa akin, sa mga basher, yung sa akin, it's fake.

“Parang banat kayo nang banat, it’s so fake.

"It’s like peke, kasing peke nung ilong nung Miss Reyes.”

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa pahayag ni Joy Reyes ukol sa mga binitawang salita ni Jomari Yllana.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jomari Yllana lashes back at ex-partner Joy Reyes: "Ako na nagbabayad ng bahay, yung food nila, yung vitamins ng babies, clothes. Kumbaga, food, shelter, and clothing. 'Tapos malaman-laman namin, yung gatas ng anak ko, ibinibenta online?"
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results