Johnny Manahan apologizes to Piolo Pascual, Maja Salvador for cancelled show: “I’m sorry for dragging you into this.”

by Bernie V. Franco
Jan 20, 2021
Johnny Manahan (center) recalls when he asked Piolo Pascual (left) and Maja Salvador (right) to do Sunday Noontime Live on TV5: "I knew he had reservations about the show because it's another channel. The same thing with Maja, she had reservations."
PHOTO/S: Facebook (Piolo Pascual) / YouTube (ABS-CBN) / @iammajasalvador on Instagram

“Hiyang-hiya ako sa dalawa.”

Parte ito ng pahayag ni Johnny Manahan—mas kilala sa entertainment industry bilang Mr. M—tungkol kina Piolo Pascual at Maja Salvador.

May kinalaman ito sa biglaang pagtatapos ng TV5 Sunday musical-variety show na Sunday Noontime Live (SNL).

Sa hiling ni Mr. M., tumawid sina Piolo at Maja mula ABS-CBN, kung saan sila regular na napapanood, papuntang TV5 para maging hosts ng SNL, kung saan si Mr. M ang direktor.

Pero pagkatapos lamang ng tatlong buwan, ikinagulat ng hosts at production team ng SNL na tinanggal na sa ere ang kanilang show.

“Actually, they assured us dalawang seasons. One season is three months kaya hanggang March,” kuwento ni Mr. M. sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Zoom nitong Martes, January 19.

Ang SNL ay isa sa mga programang iprinodyus ng Brightlight Productions, pagmamay-ari ng billionaire businessman at dating Negros Occidental Representative Albee Benitez, para sa TV5.

MR M. APOLOGIZES TO PIOLO AND MAJA

Simple lang ang paliwanag nina Piolo at Maja nang pagbigyan nila ang pakiusap ni Mr. M na maging hosts ng SNL.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng dalawa, hindi nila mahihindian ang kanilang tatay-tatayan na instrumento para sa matagumpay nilang showbiz careers.

Pero hindi rin biro ang isyung ibinato kina Piolo at Maja sa pagtawid nila sa TV5.

Inisyu ang kanilang loyalty sa ABS-CBN, lalo pa’t tinanggap nila ang project sa TV5 matapos ipasara ang Kapamilya network ng Kongreso, sa pag-udyok ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Pag-amin ni Mr. M, “Kaya hiyang-hiya ako sa dalawa, e.

“I talked to them and I said, ‘I’m so sorry for dragging you into this.’

“Even if they assured us at least six months, nine months pa nga dapat, e.”

Nguni't hindi nasunod ang napag-usapang itatagal ng programa.

Bukod sa SNL ay nakansela na rin ang Sunday Kada, isang gag show na kinatatampukan din ng ilang Kapamilya artists.

PIOLO, MAJA HAD RESERVATIONS

Sa kabila ng pagpayag nina Piolo at Maja, inamin ni Mr. M. na alam niyang hindi naging madali para sa dalawa ang desisyong umalis ng ABS-CBN.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung tutuusin nga raw ay hindi na kailangang magtrabaho ni Piolo.

"Piolo is a sweet guy. I don't think he has to work. He only works when he likes it. He's a sweet guy.

"I knew he had reservations about the show because it's in another channel.

"The same thing with Maja, she had reservations," ani Mr. M sa sandwich session ng Summit Media editors kahapon din, January 19.

("Sandwich session" ang tawag sa mga umpukan ng editors ng 14 websites ng Summit Media, kabilang na ang PEP.ph, kung saan may personality silang nakakapanayam nang sabay-sabay. Matapos ng sandwich session kahapon, nagkaroon ng hiwalay at ekslusibong panayam ang PEP.ph kay Mr. M.)

Kinumbinsi raw niya ang dalawa na gawin ang magiging katapat na programa ng ABS-CBN Sunday noontime show na dati nilang kinabibilangan, ang ASAP Natin 'To.

Si Mr. M ang naging direktor ng ASAP sa loob ng 25 taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But they did it because I asked. I said, 'I'm here. Maybe we can do something there at Channel 5. Might be fun going up against ABS-CBN!'" may halong birong sabi ni Mr. M.

Piolo Pascual with Mr. M

Hindi rin daw niya masisisi sina Piolo at Maja na makaramdam ng takot dahil alam nilang pader ang babanggain nilang programa sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, mukha raw may takot din naman sa kanila ang ABS-CBN. "You know what, for a while, I think they were scared—scared of little me, little us...

"For the first show, pinaghandaan talaga kami. They put up this huge show with all the talents, including, I don't know, Charo Santos, Lea Salonga... the whole shebang.

"We only had little Piolo, little Maja."

Umere ang unang episode ng SNL noong October 18, 2020.

"But, I think for the first show, we rated higher than all those stars. Medyo kinabahan sila, first three shows.

"Then the weaknesses of Channel 5 began to show—their signal, some people didn't even know Channel 5 was on the air...

"They don't have everything, all the elements, in place, not like ABS."

WHY PIOLO AND MAJA?

Inusisa ng PEP.ph si Mr. M. kung bakit sa dami ng mga artistang naging alaga niya, sina Piolo at Maja ang hinatak niya sa SNL.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinaliwanag ng veteran star builder na ang dalawa ay walang existing network contracts sa ABS-CBN.

“Kasi, they were free agents,” sagot ni Mr. M.

“Previous to that, ako'ng gumawa nung contracts nila Enrique [Gil], Liza [Soberano], Kathryn [Bernardo], and [Daniel Padilla].

“May mga clause, yung, ‘You can’t leave ABS’ clause, gan’on.”

Sina Daniel, Kathryn, Enrique at Liza ay pumirma ng three-year exclusive contracts sa ABS-CBN noon lamang nakaraang taon kaya valid pa ito hanggang 2022.

Sa kaso raw nina Piolo at Maja, “Si PJ [Piolo] naman matagal naman ‘yang... wala naman siyang contract. Free agent siya.

“And then si Maja, nung nag-lapse... sakto lang na nag-lapse yung contract niya last year.

“Sabi niya, ‘Let’s do this. Sama ako sa inyo,'" lahad ni Mr. M. "Maja is really very spontaneous."

WHAT’S NEXT FOR PIOLO AND MAJA?

Ang katanungan ng marami: Ano ang susunod para kina Piolo at Maja ngayong kinansela na ang kanilang kinabibilangang musical-variety show sa TV5?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga usap-usapang babalik na diumano si Piolo sa ABS-CBN, ngunit walang pruweba o kumpirmasyon ang mga ito.

Ayon kay Mr. M, may inaalok na mga proyekto sa dalawa sa bakuran pa rin ng TV5.

Sinabi raw ni Manny V. Pangilinan (MVP), ang business tycoon na nagpapalakad ng TV5, na gusto nila si Piolo para sa kanilang network.

“That’s what they told Piolo also… kasi si Piolo, siyempre nag-i-inquire rin siya and kausap din niya si MVP.

“Sabi ni MVP, ‘You know, kapag ayaw na ni Albee, sasaluhin namin yung show, because we like you here in Channel 5.”

Muli, ibinahagi ni Mr. M na hindi nag-atubili sina Piolo at Maja nang kausapin niya ang dalawa na gawin ang SNL.

“I had to ano, hindi naman beg…” sabi ng Star Magic co-founder. “That’s why I keep saying Piolo’s so sweet because he said, ‘Okay, let’s do it.’ Ganun lang siya. Just because of our relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Maja rin, ganun. Meron kaming pinagsamahan niyan, e.

“The word nga she used, ‘Kasi madali akong kumbinsihin kasi magkatali kami ni Mr. M sa bituka,’ something like that.

“Funny girl, she‘s so funny.”

Samantala, tiniyak pa raw ni Mr. M kina Piolo at Maja na makakakuha sila ng mga proyekto sa TV5 sa mga susunod na buwan.

Sabi niya, “Anyway, in return, I said, ‘Don’t worry, aayusin ko na… you will have six months, maybe nine, and then Channel 5 will give…, like, si Maja, another show, maybe a soap.

“Then Piolo, ‘You can produce if you like,’ sabi ni MVP sa akin."

Matapos ay tumawa ito, "Haay, wala nangyari…”

WHEN PIOLO AND MAJA SAID YES TO MR. M.

Sina Piolo at Maja ay identified sa Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN na itinayo ni Mr. M at ng dating ABS-CBN executive na si Freddie M. Garcia, aka FMG, noong 1992.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawampu't walong taong pinamunuan ni Mr. M ang Star Magic, mula 1992 hanggang 2020, bagamat maraming taon na siyang chairman emeritus at, on the ground, si Mariole Alberto ang nagpapatakbo ng Star Magic.

Habang pinuno ng Star Magic, napasikat ni Mr. M ang maraming artista ng bansa.

Kabilang dito sina Piolo Pascual, Claudine Barretto, Angelica Panganiban, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Kim Chiu, Gerald Anderson, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Liza Soberano, Enrique Gil, at marami pang iba.

"Second father" din ang turing kay Mr. M ng maraming Star Magic artists, gaya nina Piolo at Maja.

Bukod pa rito, long-time director ng maraming TV shows at specials ng ABS-CBN si Mr. M.

Nitong bandang dulo ng 2020 ay nilisan ni Mr. M ang bakuran ng ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Johnny Manahan (center) recalls when he asked Piolo Pascual (left) and Maja Salvador (right) to do Sunday Noontime Live on TV5: "I knew he had reservations about the show because it's another channel. The same thing with Maja, she had reservations."
PHOTO/S: Facebook (Piolo Pascual) / YouTube (ABS-CBN) / @iammajasalvador on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results