PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nora Aunor on National Artist Award nomination

"Hintayin na lang natin kung ano ang mangyayari."
by Melba R. Llanera
Published Jan 23, 2021
Nora Aunor in a presscon.
"Kung ibibigay yan ng Diyos, ibibigay yan sa iyo ng Diyos. Pero kung di karapat-dapat, hindi. Kasi marami namang karapat-dapat na mga artista. Kailangan silang mauna na mabigyan ng karangalan na yun," Nora Aunor said about being nominated again for the National Artist Award.
PHOTO/S: Noel Orsal

Para sa maraming fans ng tinaguriang Superstar ng local showbiz na si Nora Aunor, dapat ay matagal na itong napagkalooban ng National Artist Award.

Ang award na ito na pormal na kilala bilang Order of National Artists of the Philippines o Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas ay iginagawad sa mga Pilipinong nakagawa ng katangi-tangi at mahalagang kontribusyon para sa ikasusulong at ikauunlad ng sining sa Pilipinas.

Nakaplanong igawad kada tatlong taon, nagsusumite ng mga nominado ang iba't ibang cultural organizations, educational institutions, at private organizations para sa award na ito.

Pag-aaralan at pagbobotohan ng mga miyembro ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA), Cultural Center of the Philippines (CCP), at iba pang National Artists ang mga nominado.

Pagkatapos ay ibibigay ang mga napagbotohang artists sa Pangulo ng Pilipinas na siyang gagawa ng huling desisyon kung sino ang gagawaran ng parangal.

Ayon pa sa fans ni Ate Guy—palayaw ni Nora—at ilang mga taga-showbiz, karapat-dapat daw talaga ang aktres na bigyan ng National Artist Award kung ang mga nai-contribute o body of work nito sa Philippine entertainment industry ang pagbabasehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya't patuloy sila sa pag-aasam at pakikipaglaban na mapagkalooban si Nora ng nabanggit na parangal na dalawang beses nang ipinagdamot sa kanya nung 2014 at 2018.

NORA AUNOR APPEALS TO FANS AND SUPPORTERS

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres sa nakaraang story conference ng pelikulang Kontrabida sa Annabel's nung nakaraang January 21, nagbigay ng pahayag ang Superstar tungkol dito.

"Sabi ko nga, wag na silang makipaglaban, kasi kung ibibigay yan ng Diyos, ibibigay yan sa iyo ng Diyos. Pero kung di karapat-dapat, hindi.

"Kasi marami namang karapat-dapat na mga artista. Kailangan silang mauna na mabigyan ng karangalan na yun," pahayag ng 67-year-old award-winning actress.

Sa kabila ng marami nang parangal na natanggap ni Nora mula sa mga local award-giving bodies hanggang sa international film festivals sa loob ng mahigit limang dekada niyang career sa showbiz, hindi raw pumasok sa isip niya ang matanggap ang National Artist Award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako naman, hindi ko iniisip na parangalan ng National Artist maski nung araw. Pero nagpapasalamat ako sa mga nakikipaglaban.

"Sa lahat ng mga fans, mga kaibigan, mga reporters na talagang nakikipaglaban para makuha ko nga ang National Artist, hintayin na lang natin kung ano ang mangyayari, kung ano ang kaloob ng Diyos."

Tinanong din ang Superstar kung hindi ba siya nakakaramdam ng sama ng loob sa dalawang beses nang pagdadamot sa kanya ng nasabing parangal.

"Sabi ko nga kanina, kung hindi ipagkakaloob ng Diyos, di dapat ikasama ng loob yun.

"Kasi kung di napapanahon, kailangang tanggapin natin," sagot ng aktres.

WHAT NORA WILL GET IF CONFERRED WITH NATIONAL ARTIST AWARD

Awtomatikong nominado si Nora para sa National Artist Award na igagawad ngayong taon.

Pumasa na kasi ang aktres sa dalawang deliberations dahil sa kanyang nominasyon nung 2014 at 2018.

Nung Nobyembre ng nakaraang taon, nag-file si ACT-CIS Representative Niña Taduran ng bill sa Kongreso, ang House Resolution No. 1352 na nagno-nominate kay Nora para sa National Artist Award.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung magagawaran ng National Artist Award, makakatanggap si Nora ng gintong medalyon mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, cash award, insurance, state funeral benefit, at place of honor sa state functions.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung ibibigay yan ng Diyos, ibibigay yan sa iyo ng Diyos. Pero kung di karapat-dapat, hindi. Kasi marami namang karapat-dapat na mga artista. Kailangan silang mauna na mabigyan ng karangalan na yun," Nora Aunor said about being nominated again for the National Artist Award.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results