Aiko Melendez insists that “sumusunod po kami sa protocol” during interview with Harry Roque

Jan 23, 2021
Aiko Melendez Harry Roque Malacanang
Actress Aiko Melendez will have Presidential Spokesperson Harry Roque on her vlog on Saturday evening, January 23, to answer “ang issue about Hair flip of Pinky Webb, Ang issue ke Vice Ganda.”
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram, Maria Kendra Melendez on Facebook

Nilinaw ni Aiko Melendez na walang nalabag sa safety health protocol sa interview niya kay Presidential Spokesperson Harry Roque na ginawa sa Malacañang.

Nagpaliwanag ang 45-year-old Kapuso actress matapos na makatanggap ng mga puna mula sa netizens ang litrato niya, kasama si Roque, sa ipinost niyang vlog teaser.

Huwebes, January 21, nang ipinost ni Aiko sa Instagram ang teaser para sa susunod niyang vlog.

Sa litratong kuha sa loob ng opisina ni Roque sa Malacañang, makikitang wala pang isang metro ang distansiya nina Aiko at Roque sa isa’t isa habang nakatayo at nagpapakuha ng picture.

Kapwa walang suot na face mask at face shield sina Aiko at Roque, 54.

Ang puting cloth mask ni Aiko ay nakakabit sa isang gold chain at nakasabit na parang kuwintas sa kanyang leeg.

Hawak naman ni Roque sa kaliwang kamay ang kanyang puting mask.

Caption ni Aiko (published as is): “Oopps.... Bago nyo ibash panuorin muna nyo ang interview ko sa knya [blue heart emoji] Sec Harry Roque.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aiko Melendez PUTS A SPOTLIGHT ON ROQUE

Sinabi ni Aiko na sa nabanggit na interview, sinagot daw ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte “ang issue about Hair flip of Pinky Webb, Ang issue ke Vice Ganda.”

Miyerkules, January 20, nang maghapon nag-trending sa Twitter ang CNN Philippines news anchor na si Pinky Webb matapos nitong kalmadong hawiin ang buhok sa balikat habang inaakusahan ni Roque ng “wrong” at “not fair” na pag-i-interview.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinagalit ni Roque ang mali raw na paraan ni Pinky, 50, ng paghingi ng kanyang reaksiyon habang pinag-uusapan nila ang unilateral abrogation ng kasunduan ng University of the Philippines (UP) at Department of National Defense (DND).

Sa pinawalang-bisang kasunduan, pinagbabawalan ang pagpasok ng militar at pulisya sa mga campus ng unibersidad nang walang pahintulot mula sa UP administration.

Nauna rito, nagpalitan ng pasaring sina Roque at Vice, 44, makaraang kontrahin ng It’s Showtime host ang pahayag ni Roque na hindi dapat mamihikan sa libreng COVID-19 vaccine ang publiko.

NETIZENS CALL AIKO “DDS, ENABLER”

Sa comments section, ilang Instagram followers ni Aiko ang nakulangan sa pagtupad nila ni Roque sa safety health protocols.

netizens call out aiko for not complying to safety protocols

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kapansin-pansing mas marami ang nagreklamo kung bakit daw ang Malacañang spokesperson pa ang napiling i-guest ni Aiko sa kanyang vlog.

netizen criticizes aiko for guesting harry roque on vlog

netizen voice out dismay on aiko

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinawag pa nga ng ilang netizens na “DDS” at “enabler” si Aiko.

netizen calls aiko DDS

etizen calls aiko enabler

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang DDS ay tumutukoy sa “Diehard Duterte Supporters,” o mga masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte.

AIKO: “SUMUSUNOD PO KAMI SA PROTOCOL”

Bagamat sa Instagram nakatikim ng mga batikos si Aiko, sa Facebook nag-post ang aktres ng paliwanag tungkol sa litrato nila ni Roque.

Sa post ni Aiko nitong Biyernes, January 22, ibinahagi niya ang iba pang mga litrato na kuha sa interview niya kay Roque.

Makikitang kasama ni Aiko na nagpunta sa tanggapan ni Roque ang longtime boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.

Si Khonghun ay miyembro ng PDP-Laban, ang political party ni Pangulong Duterte.

Paglilinaw ni Aiko, makikita sa iba pang pictures na pareho silang nakasuot ni Roque ng face mask bago simulan ang interview.

“I just had to take it off during the conversation,” paliwanag ni Aiko.

Ayon pa sa aktres, “we had a swab test” bago nagtungo sa Malacañang.

Iginiit din ni Aiko na “we observed social distancing during the interview, Magkalayo po kami ng Upuan Ni Sec Harry Roque.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, binigyang-diin ni Aiko na “Sumusunod po kami sa Protocol.”

Hindi naman daw sila papapasukin ni Roque sa opisina nito kung hindi sila tumalima sa safety health protocols na mahigpit na ipinatutupad ng gobyerno—lalo na sa loob mismo ng Malacañang.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Aiko Melendez will have Presidential Spokesperson Harry Roque on her vlog on Saturday evening, January 23, to answer “ang issue about Hair flip of Pinky Webb, Ang issue ke Vice Ganda.”
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram, Maria Kendra Melendez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results