Bea Alonzo admits her last video call was with Dominic Roque; Dominic flexes Japan video with Bea

by Rachelle Siazon
Jan 28, 2021
In her January 23 vlog, Bea Alonzo admits that the last person who gave her a video call via Facetime was Dominic Roque. Dominic, for his part, showed a video of him and Bea from their 2019 Japan trip (center).
PHOTO/S: @dominicroque / @ beaalonzo Instagram / @dominicroque TikTol

Napasubo si Bea Alonzo na amining si Dominic Roque ang nasa kanyang "last Facetime video."

Ito ay matapos hamunin ni Bea ang best friend na si Enchong Dee na sila ay maglaro ng "show me your phone" challenge.

Bumisita kasi si Enchong sa bahay ni Bea.

Nang tingnan ni Enchong ang mobile phone ni Bea, inusisa niya kung sino ang "Nic" sa last call log ng aktres.

"Facetime, Nic," simpleng saad ni Bea. Ang Facetime ay isang video call app.

Tanong ni Enchong, "Sino si Nic?"

Iwas muna ni Bea, "Secret!" Sabay pag-amin din niya, "Hindi, si Dominic 'yan."

Base sa vlog, nag-flash ang litrato ni Dominic Roque na siyang tinutukoy raw ni Bea.

bea alonzo and dominic roque

Continue reading below ↓

Natatawang binawi ulit ni Bea ang kanyang sinabi sa pamamagitan ng pagbitiw ng apelyidong "Ochoa." Nais niyang palabasin na si Dominic Ochoa ang tinutukoy niya.

Pero hindi napigilan ni Bea ang matawa dahil sa tila panlalaglag niya sa sarili tungkol sa pagtawag sa kanya ni Dominic Roque.

Hirit ni Enchong, "Tawa na lang tayo. Gusto mo 'to, di ba?!"

Nagpahiwatig si Bea na bigla raw siyang ninerbiyos sa laro nila ni Enchong.

Napapangiting saad ni Bea, "Bakit ko 'to ginagawa? Ang init!"

Mapapanood ang kulitan nina Bea at Enchong sa vlog ng aktres na may petsang January 23, 2021.

DOMINIC SHOWS JAPAN VIDEOS OF BEA

Walang direktang kumpirmasyon mula kina Bea at Dominic kung ano ang real score sa pagitan nila.

Pero kapansin-pansin ang mga pahiwatig nila tungkol sa kanilang pagiging malapit sa isa't isa.

Nitong January 27, si Dominic naman ang nag-post sa TikTok ng video clip na magkasama sila ni Bea.

Continue reading below ↓

dominc tiktok video with bea

Kuha ang mga iyon noong nagkasama sila sa Japan noon pang 2019.

Mayroon ding mga artsy videos sina Bea at Dominic na kuha sa Team Borderless, isang art installation museum sa Tokyo, Japan.

bea alonzo and rumored boyfriend dominic artsy photos

Continue reading below ↓

Naka-tag si Bea pati na rin ang Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Magkabarkada sina Khalil at Dominic.

Kinilig ang followers ni Dominic dahil tingin nila ay bagay na couple sina Dominic at Bea.

dominic fans get kilig for the actor and bea rumored relationship

Continue reading below ↓

DOMINIC ANSWERS NETIZEN LOOKING FOR BEA

Noon namang January 19, nag-post si Dominic ng litrato niyang kuha sa BenCab museum sa Baguio.

Caption ni Dominic, "Picture ko. Caption mo. _______"

Dominic Roque

Hirit ng netizen, "San na ba si Bea.... ay [heart emoji]"

Sagot naman ni Dominic, "kinukuhaan ako."

Continue reading below ↓

Panunukso ulit ng netizen, "YIIIEEE CONFIRMED NA TALAGA."

netizen asks dominic if bea is with him; dominic replies

Matatandaang noong December 2020 ay naiulat na namasyal sa Baguio ang grupo nina Dominic at Bea.

Noong buwan ding iyon ay naiulat ang pag-amin ni Bea na "dating" ang kanyang relationship status.

Hindi man pinangalanan kung sino ang lalaking malapit sa puso niya, marami sa mga sumusubaybay sa aktres ang naniniwalang si Dominic ito.

Continue reading below ↓

Inamin naman ni Bea sa kanyang isang vlog na pasok si Dominic sa kategorya niyang puwedeng "dyowain."

Tila pasado naman si Dominic sa ina ni Bea dahil sa sinabi nitong boyfriend material ang binata.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In her January 23 vlog, Bea Alonzo admits that the last person who gave her a video call via Facetime was Dominic Roque. Dominic, for his part, showed a video of him and Bea from their 2019 Japan trip (center).
PHOTO/S: @dominicroque / @ beaalonzo Instagram / @dominicroque TikTol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results