Sinagot na ni Liza Soberano ang mensahe sa kanya ng Thailand-based actor na si Luke Plowden.
Ngayong Huwebes, January 28, maiksi pero friendly ang tweet ni Liza kay Luke.
Sumang-ayon si Liza sa obserbasyon ni Luke na magkamukha nga sila.
Kalakip ng laughing at wave emojis, sabi ni Liza kay Luke, "Hello long lost brother!"

Noong January 26, agaw-pansin ang tweet ni Luke kunsaan direktang naka-tag si Liza.
Nais iparating ni Luke na marami siyang natatanggap na tweets mula sa Filipino netizens na nagsasabing siya raw ang "male version" ng Filipina actress na si Liza.
Tweet ni Luke: "Hi, I've heard from many Filipino fans that I kinda look like a male version of you, I guess I can see that."

Si Luke ay aktor sa Thailand na may lahing Japanese-American.
Mayroon siyang supporting role sa 2020 Thai series na Wake Up Ladies 2: Very Complicated.
First lead role ni Luke ang upcoming Thai series na Oh My Boss.
"KUMARENG LIZA MAY PILA PO TAYO"
May Filipino netizens na humahanga kay Luke ang pabirong humirit na "may pila" sa mga tagahanga ni Luke.
Kunwa'y pinapapila rin nila si Liza, na walang kaalam-alam pero napukaw ang atensiyon ni Luke.
May mga pabiro ring humirit na mukhang mauunahan pa sila ni Liza kay Luke.




May iba namang fans si Liza na umalma at nagsabing hindi kailangang makipila ng Kapamilya actress na isang sikat na movie at TV star.
Paniniguro pa ng iba, masaya si Liza sa relasyon nila ng nobyong si Enrique Gil.



"BROZONED"
Nang mag-reply si Liza kay Luke ngayong Huwebes, natuwa ang Filipinos nang tawagin ni Liza si Luke na "long lost brother."
Lumalabas daw kasing "brozoned" ni Liza si Luke.
Sa madaling salita, hindi kasali si Liza sa mga nais makipila kay Luke.
Narito ang kuwelang tweets ng netizens:





