In a relationship na ba si Juliana Gomez sa isang national athlete?
Ito ang tanong ng netizens matapos ma-post sa social media ang lambingan ni Juliana at ng isang non-showbiz guy.
Si Juliana, 20, ang unica hija ni Ormoc City Mayor Richard Gomez at Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez.
Sa Instagram account ng isang Miggy Bonnevie-Bautista ay naka-post ang ilang sweet photos nila ni Juliana.
Sa tatlong series of photos na nai-post, nakaupo sina Miggy at Juliana sa sofa.
Sa isang larawan ay makikitang nakahalik si Miggy sa braso ni Juliana habang pinagmamasdan siya ni Juliana.
Sa isa namang larawan ay kitang komportable silang magkadikit at nagtititigan habang nakaupo sa sofa.

Simpleng fingers crossed at heart emoji lang ang comment ni Juliana sa posts ni Miggy.
Sumagot naman si Miggy ng kissing emoji.
Noong December 26, 2020 ay may post din si Miggy ng mga larawan nila ni Juliana na magkatabi sila habang nakatayo at may hawak na inumin.
Base sa identification ni Miggy sa kanyang Instagram account, siya ay isang athlete at nag-aaral sa Ateneo de Manila University.
Miyembro rin siya ng Philippine National Fencing team.
Description pa niya sa kanyang Instagram account ay "Olympic bound."
Nagkataon namang nagsasanay rin ng fencing si Juliana, at lumalabas na pareho silang fencer.
DOES GOMA APPROVE OF JULIANA’S SUPPOSED ROMANCE?
May posibilidad namang alam ni Richard ang status nina Juliana at ni Miggy.
Lumalabas kasing magkasama sa training sina Juliana at Miggy para sa fencing.
Si Richard ang current president ng Philippine Fencing Association.
Sa katunayan, napaulat na nais ng actor-politician na siya ang mag-host ng training camp ng fencing athletes sa Ormoc.
Dating national athlete si Richard sa iba’t ibang sports, kabilang na ang fencing.
Sa Facebook page ng national fencing team, in-upload ang ilang training ng fencing athletes na kinabibilangan nina Juliana at Miggy.

Samantala, naging miyembro ng Philippine Fencing team si Miggy noong 2018.
Nanalo siya ng bronze medal sa U17 division ng National Swiss Cadet Competition na ginanap sa Fribourg, Switzerland.
Taong 2018 nang masungkit niya ang gold medal sa individual juniors epee competition ng Philippine National Junior and Cadet Fencing Championship
