Lindsay de Vera mulls filing complaint against people spreading fake news about her and Dingdong Dantes

by Arniel C. Serato
Feb 3, 2021
Lindsay de Vera challenges fake news spreader about her and Dingdong Dantes: "I encourage you, if you have the proof na nabuntis ako ni Kuya Dong, please come forth and we will meet each other in court."

Ikinagulat ng Kapuso actress na si Lindsay de Vera ang pagkalat ng balitang nabuntis diumano siya ni Dingdong Dantes.

Naapektuhan daw siya ng malisyosong balita.

"Nagulat po ako because it has been a very long time since last ko pong nakasama at nakatrabaho si Kuya Dong. And then, ngayon pumutok yung issue," pahayag ni Lindsay sa eksklusibong panayam sa kanya ng 24 Oras ng GMA-7.

Mariin ding itinanggi ni Lindsay na nabuntis siya ng Kapuso actor.

"No! Hindi po yun totoo," diretsong sagot niya sa tanong ng GMA News reporter na si Lhar Santiago.

Nagkatrabaho sina Lindsay at Dingdong sa Kapuso primetime series na Alyas Robin Hood at ng sequel nitong Alyas Robin Hood 2.

Umere ang dalawang teleserye mula September 2016 hanggang November 2017.

Ayon kay Lindsay, “After Alyas Robin Hood, I did Victor Magtanggol.

"2017, Alyas RobinHood, the last time I worked and saw Kuya Dong. 2018, I did Victor Magtanggol.

Continue reading below ↓

"Kung nabuntis po ako, dapat noong Victor Magtanggol pa lang, nakikita na nila na lumalaki yung tiyan ko or may napapansin na sila sa katawan ko na kakaiba.

“But, I still did projects, I still did guestings all throughout the years.

“So, It's not true. Hindi po totoo."

Diin pa niya, "Walang namagitan po sa amin ni Kuya Dong."

MULLS FILING COMPLAINT

Sa ngayon daw ay kumokonsulta na si Lindsay sa kanyang abugado kung anong hakbang ang dapat gawin tungkol sa mga nagpapakalat ng maling balita.

Dagdag niya, "Malakas po loob ko to tell them, to ask them to come forth with proof if they can.

“Patunayan po nila na nabuntis ako ni Kuya Dong."

May posibilidad daw na magsampa sila ng reklamo laban sa netizens na nagpapakalat ng malisyosong intriga.

Saad ni Lindsay, "Ang masasabi ko po kasi is, right now, I'm already talking to lawyers as well, we are talking to our lawyers.

Continue reading below ↓

"And we are speaking of possible charges that we can file to those who claim that to be true.”

Hamon pa niya sa mga nagpapakalat ng maling balita: "I encourage you, if you have the proof na nabuntis ako ni Kuya Dong, please come forth and we will meet each other in court."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lindsay de Vera challenges fake news spreader about her and Dingdong Dantes: "I encourage you, if you have the proof na nabuntis ako ni Kuya Dong, please come forth and we will meet each other in court."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results