Tonyboy Cojuangco reveals key to his 27-year relationship with Gretchen Barretto

by Rachelle Siazon
Feb 3, 2021
Gretchen Barretto, napahalahak nang marinig ang sagot ng longtime partner na si Tonyboy Cojuangco kung ano ang sikreto sa kanilang long-lasting relationship.
PHOTO/S: @gretchenbarretto Instagram

Nagdiwang ng 27th anniversary ang longtime couple na sina Gretchen Barretto at Antonio "Tonyboy" Cojuangco.

Si Tonyboy ay 70 years old, habang si Gretchen ay may edad na 50.

Noong Martes, February 2, ipinost ni Gretchen sa Instagram ang video nila ni Tonyboy habang nasa harap sila ng hapag-kainan sa kanilang bahay sa Forbes Park Village sa Makati City.

Ang anak nilang si Dominique Cojuangco, 25, ang may hawak ng camera habang inusisa sila Gretchen at Tonyboy tungkol sa kanilang relasyon.

Matamis ang ngiting sinabi ni Gretchen na "27 years" na sila ni Tonyboy.

Tanong ni Dominique, "What's your tip to everybody who wants to be together for that long?"

Si Tonyboy ang pinasagot ni Gretchen.

Ani Tonyboy, "Always agree with the Mama. The Mama is always right."

Napahalakhak si Gretchen dahil alam niyang siya ang tinutukoy ni Tonyboy na dapat ay palaging masusunod.

Caption pa ni Gretchen sa kanyang Instagram post, "27 years [heart emoji]

Continue reading below ↓

"@video by our baby @dominique [heart emoji] its a pajama get together.

"Been nursing low blood pressure. I am the mama by the way."

Dati nang inilarawan ni Gretchen si Tonyboy bilang "perfect father" at "great provider."

Noong 2019, nagpasalamat si Gretchen sa longtime partner dahil maaga raw siyang nakapagretiro sa trabaho upang maranasan ang saya ng pagiging "full-time mom" sa anak nilang si Dominique.

Continue reading below ↓

tonyboy cojuangco, dominique and gretchen barretto

Si Gretchen ay socialite-actress na huling napanood sa pelikulang The Trial (2014) at Kapamilya teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala (2013).

Si Tonyboy ay co-vice-chairman ng Okada Manila hotel. Siya ang president ng
All Seasons Hotel and Resort Corp. at director ng Tiger Resorts Leisure and Entertainment na pawang mga resorts developer company.

Continue reading below ↓

Chairman din si Tonyboy ng Cinemalaya Foundation at Ballet Philippines.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto, napahalahak nang marinig ang sagot ng longtime partner na si Tonyboy Cojuangco kung ano ang sikreto sa kanilang long-lasting relationship.
PHOTO/S: @gretchenbarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results