Kim Domingo spends her birthday visiting best friend’s grave: “Hindi kumpleto… dahil wala ka”

Feb 5, 2021
Kim Domingo best friend Angelo Fango
Kapuso actress Kim Domingo remembers her late best friend, Angelo Fango, as she celebrates her 26th birthday on February 3, 2021.
PHOTO/S: @kimdomingo_ on Instagram

Ipinagdiwang ni Kim Domingo ang kanyang birthday sa pamamagitan ng pagdalaw sa puntod ng kanyang guy best friend na si Angelo Fango.

Nitong Miyerkules, February 3, ipinagdiwang ng Kapuso actress ang kanyang 26th birthday.

Nang araw na iyon, nag-post si Kim sa Instagram ng photo niya habang bitbit ang isang bouquet ng pink roses.

Sa caption, pinasalamatan ni Kim ang lahat ng nagpaabot ng birthday greetings sa kanya.

Continue reading below ↓

Pero ngayong Biyernes ng hapon, February 5, ipinost ni Kim sa Instagram Story ang isang bahagi ng kanyang birthday celebration.

Iyon ay ang litrato ng pagdalaw niya sa puntod ni Angelo.

“FIRST BIRTHDAY WITHOUT YOU”

Sa picture, makikitang inalayan ni Kim ng bulaklak at kandila ang puntod ng matalik na kaibigan.

Nagbitbit din ang aktres ng chicken at spaghetti, isang bottled water, at isang malaking bote ng beer.

Ramdam ang emosyon ni Kim sa caption, nang sabihin niya kay Angelo na nagdiwang siya ng “first birthday without you.”

Mensahe pa ni Kim sa kanyang best friend (published as is): “Hindi kumpleto birthday ko dahil wala ka [crying emoji]…

“but i know masaya ka na at palagi mo kami binabantayan [smiling emoji]

“I miss you so much!

“Love you bes! @zach_gelzz”

kim domingo visits best friend grave

Continue reading below ↓

A TRIBUTE POST FOR ANGELO

August 2020 nang pumanaw si Angelo sa edad na 32.

Sa tribute para kay Angelo na ipinost ni Kim sa Facebook noong August 20, 2020, sinabi ng aktres na matalik niyang kaibigan si Angelo simula 2010.

Kasa-kasama raw niya lagi si Angelo kahit noong nagsisimula pa lang siya sa pag-aartista.

Kaya naman ganoon na lang daw kasakit para kay Kim ang biglaang pagpanaw ng kanyang best friend, na dinala pa niya sa ospital noong gabi bago ito bawian ng buhay.

Sakit sa baga ang ikinamatay ni Angelo.

“Napakasakit!” bungad ng post noon ni Kim para kay Angelo.

“NO ONE WILL EVER REPLACE YOU, NO ONE!

“Ikaw pa din ang nag-iisa kong best friend.

“Wag mo na ako isipin kaya ko to! Naging strong din ako dahil sayo.

“From now on ikaw na ang magiging GUARDIAN ANGEL ko.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Kim Domingo remembers her late best friend, Angelo Fango, as she celebrates her 26th birthday on February 3, 2021.
PHOTO/S: @kimdomingo_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results