Dionne Monsanto engaged to Filipino-Swiss boyfriend

by Rachelle Siazon
Feb 6, 2021
Kapamilya actress Dionne Monsanto on love story with boyfriend Ryan Stadler: "Ryan & I have known each other since my PBB season in 2007. Yet we only started dating in 2018—11 years of knowing each other."
PHOTO/S: @dionne Instagram

Inanunsiyo ni Dionne Monsanto na siya ay engaged na sa Filipino-Swiss boyfriend niyang si Ryan Stadler.

Si Dionne, 25, ay ex-housemate sa ABS-CBN reality franchise show na Pinoy Big Brother Season 2 noong 2007.

Napanood ang kanyang supporting roles sa mga teleseryeng Lobo (2008), Tubig at Langis (2016), at A Soldiers Heart (2020).

Nitong Sabado, February 6, nag-post si Dionne ng litrato nila ni Ryan na kuha sa Kandersteg, Switzerland.

Parehong nakasuot ng bathrobe sina Dionne at Ryan habang kita sa kanilang likuran ang magandang view ng snow-covered alps.

Dito raw nag-propose sa kanya ang nobyo.

"I said, 'Yes! Why’d you take so long?'" sabi raw ni Dionne nang mag-propose sa kanya si Ryan.

Kuwento pa ni Dionne, humigit-kumulang tatlong taon silang magkarelasyon ni Ryan.

Ang kabuuang caption ng post ni Dionne:

"Ryan & I have known each other since my PBB season in 2007.

"Yet we only started dating in 2018—11 years of knowing each other.

Continue reading below ↓

"Grateful that we were friends first and that we’ve seen each other grow."

Naniniwala si Dionne na handa na sila ni Ryan sa bagong yugto ng kanilang buhay.

Dagdag niya, "There’s no foundation better than friendship.

"Grateful that the universe gave me the kindest man ever.

"Here’s to forever + 49 years, my love @nayr_redlats [heart emoji]."

Continue reading below ↓

Si Ryan ay may pag-aaring restaurant-resort sa Siargao.

Ang PBB housemate ni Dionne na si Mickey Perz, na may lahing Filipino-Swiss, ang nagpakilala sa aktres kay Ryan.

Isang taong hindi nagkita sina Dionne at Ryan dahil sa travel restrictions dala ng COVID-19 pandemic.

Noong huling linggo ng January 2021 lumipad si Dionne patungong Bern, Switzerland kunsaan nakabase ang nobyo.

Noong February 4, ipinost ni Dionne ang "first date" nila ni Ryan mula nang dumating siya roon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Dionne Monsanto on love story with boyfriend Ryan Stadler: "Ryan & I have known each other since my PBB season in 2007. Yet we only started dating in 2018—11 years of knowing each other."
PHOTO/S: @dionne Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results