Celebs, netizens call Sarah Geronimo "kumander, boss" of husband Matteo Guidicelli

by Rachelle Siazon
Feb 8, 2021
"KUMANDER SARAH G!" Sarah Geronimo acts as husband Matteo Guidicelli's strict workout coach: "Nagmamadali ka naman kasi Lab, e. Haha! Bakit walang push-up, Lab? Dapat may push up, di ba?"
PHOTO/S: @matteog Instagram

Sa isang bihirang pagkakataon, pinasilip ni Matteo Guidicelli, 30, ang pagiging kuwela ni Sarah Geronimo, 32, sa kanilang buhay mag-asawa.

Noong Biyernes, February 1, ipinost ni Matteo sa Instagram ang video ng kanyang full-body workout routine sa garden.

Nakasabit sa straps ng suspension trainer ang kanyang mga paa habang nag-eehersisyo ng ab curls.

Kasabay rin ni Matteo sa workout ang brother-in-law na si Ian Dato.

Nanonood naman si Sarah at kinukunan ng video si Matteo.

Dito ay sinita ni Sarah si Matteo dahil dinadaya raw nito ang sariling workout.

"Nagmamadali ka naman kasi Lab, e. Haha!" hirit ni Sarah, na ang term of endearment kay Matteo ay Lab.

Sabay pinaalalahan ni Sarah si Matteo na kailangan nitong mag-push up.

Sweet at soft-spoken, pero istrikto ang boses ni Sarah.

Diin niya, "Bakit walang push up, Lab? Wala bang push up iyan?"

Komento ni Matteo, "Ang istrikto naman ng trainer ko!"

Pero sumunod si Matteo sa instruction ni Sarah.

Continue reading below ↓

Bahagyang natawa si Sarah, pero istrikto pa ring binilang kung ilan ang magagawang push up ni Matteo.

Ani Sarah, "Dapat may push up, di ba? 1, 2, 3, 4, 5, okay."

Sa caption ng Instagram post, sabi ni Matteo, "Gentlemen, the best workout coach is your wife." Nilagyan niya ito ng perfect o 100 score at fist bump emojis.

Continue reading below ↓

CELEBRITY REACTIONS

Tawang-tawa ang mga nakapanood sa pagiging "strict coach" ni Sarah kay Matteo.

Sa comments section, nag-iwan ng laughing emojis ang mga Kapamilya stars na sina Angel Locsin at Bea Alonzo.

angel locsin reacts to sarah geronimo being kumander, boss of matteo guidicelli

bea alonzo reacts to sarah geronimo being kumander, boss of matteo guidicelli

Continue reading below ↓

Ang comedienne na si Kakai Bautista ay natawa rin nang mapanood ang video.

kaye abad reacts to sarah geronimo being kumander, boss of matteo guidicelli

Nagkomento ng hearts ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado na tila naaliw rin sa couple.

jen mercado reacts to sarah geronimo being kumander, boss of matteo guidicelli

Continue reading below ↓

Hirit naman ng comedienne na si Kim Molina, "BAHAHAHAHAHHA!!! Ayan ayaaan napapagalitan."

kim molina reacts to sarah geronimo being kumander, boss of matteo guidicelli

Pati ang ANC host na si Karen Davila ay pabirong pinuna na si Sarah ang "boss" ni Matteo.

"Hahaha OMG - its Boss Sarah G!"

karen davila reacts to sarah geronimo being kumander, boss of matteo guidicelli

Continue reading below ↓

NETIZENS CALL SARAH "KUMANDER, THE BEAST COACH"

Dahil sa pagiging istriktong coach ni Sarah, may netizens ang pabirong tinawag siyang "kumander sarah g."

netizens call sarah kumander, the beast coach

"The Beast" na coach daw ang singer-actress.

netizens call sarah kumander, the beast coach

Continue reading below ↓

Naaliw ang netizens dahil minsan lang makita ang pagiging "boss wifey" ni Sarah, na karaniwang pribado sa kanyang personal na buhay.

netizens call sarah kumander, the beast coach

Kilalang coach si Sarah sa ABS-CBN reality franchise show na The Voice.

Kaya sabi ng iba, coach din pala si Sarah kahit sa bahay nila ni Matteo.

netizens call sarah kumander, the beast coach

Continue reading below ↓

Natuwa rin ang netizens dahil malambing at soft-spoken pa rin ang dating kahit na iniistriktuhan ni Sarah si Matteo.


netizens get kilig over sarah and matteo

Sa February 21 ay mag-iisang taon nang kasal sina Sarah at Matteo.

Bago iyon ay anim na taon at limang buwan silang naging magkasintahan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"KUMANDER SARAH G!" Sarah Geronimo acts as husband Matteo Guidicelli's strict workout coach: "Nagmamadali ka naman kasi Lab, e. Haha! Bakit walang push-up, Lab? Dapat may push up, di ba?"
PHOTO/S: @matteog Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results