Pauleen Luna denies pregnancy rumor

Feb 10, 2021
Pauleen Luna, Vic Sotto
Eat Bulaga! hosts Vic Sotto and Pauleen Luna have been happily married since January 30, 2016.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram

Hindi buntis si Pauleen Luna.

Pinabulaanan ng 32-year-old actress-TV host ang matagal nang nababalitang buntis daw siya sa second baby nila ng asawang veteran TV host-comedian na si Vic Sotto, 66.

January 30, 2016 nang ikinasal sina Vic at Pauleen.

November 6, 2017 naman nang isilang ni Pauleen ang firstborn nilang si Talitha, o Tali.

Kasabay ng sunud-sunod na balita ng pagbubuntis ng ilang celebrities sa nakalipas na mga buwan, lumutang ang tsismis na nagdadalantao raw muli si Pauleen.

Nitong Martes, February 9, sinagot ni Pauleen ang isyung ito nang isang fan ang diretsahang nag-usisa sa kanya.

Nagkomento ang fan sa Instagram post ni Pauleen nang araw na iyon.

Ibinahagi ng actress-TV host ang serye ng mga litrato ni Tali habang naliligo sa swimming pool nang hindi na kailangan pang alalayan.

Simpleng caption ni Pauleen: “My purpose [white heart emoji]”

Continue reading below ↓

Tanong ng fan (published as is): “preggy na po b kayo ult ms pauleen?? [smiling face with smiling eyes emoji]”

Sagot ni Pauleen: “no [smiling face emoji]”

netizen asks pauleen if she is pregnant, pauleen luna responds

Bukod kay Tali, mga anak din ni Vic sina Danica Sotto-Pingris, Oyo Sotto, Pasig City Mayor Vico Sotto, at Paulina Sotto-Llanes.

Sina Danica at Oyo ay anak ng Eat Bulaga! host sa dating asawa, ang aktres na si Dina Bonnevie.

Continue reading below ↓

Si Mayor Vico ay anak ni Vic sa veteran actress na si Coney Reyes.

Ang ina ni Paulina ay ang dating aktres na si Angela Luz.

Si Tali naman ang kaisa-isang anak ni Pauleen.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eat Bulaga! hosts Vic Sotto and Pauleen Luna have been happily married since January 30, 2016.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results