Ate Gay gets paid after posting about unpaid talent fees for three Kapuso shows

by Arniel C. Serato
Feb 10, 2021
Ate Gay delayed payments GMA shows
In a now deleted tweets, comedian-singer Ate Gay expressed disappointment over delayed payments for his guest appearances in three GMA shows.
PHOTO/S: Courtesy: @ategay08 on Instagram

Idinaan sa social media ng comedian-singer na si Ate Gay, Gil Morales sa tunay na buhay, ang paniningil ng kanyang talent fee sa ilang shows sa Kapuso network.

Sa deleted tweets ng komedyante, umapela siya sa pamunuan ng GMA-7 na sana ay mabayaran na siya sa kanyang guest appearances sa All-Out Sundays (AOS), YouLol, at Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Last year pa raw ang ilan sa mga guesting niya rito.

Tweet ni Ate Gay kagabi, February 9: “Aos gma7 dalwang guesting ko di pa po ako nababayaran .. yung sa jessica soho isang guesting wala pa din po.. yung sa youLol wala pa din po last year pa yun.. plzzzzz.”

personal account of ate gay calls out kapuso programs over unpaid talent fees

Continue reading below ↓

Sa kasunod naman niyang tweet, mukhang naareglo kaagad ng KMJS staff ang apela ni Ate Gay para sa kanyang talent fee.

Nabayaran na raw kaagad siya matapos niyang mag-tweet.

Saad niya, “Ayy oh .. salamat sa inyo.. nabayaran na ako agad-agad gcash ng Jessica soho…… AOS nlang at Youlol”

ate gay posts update that KJMS paid her already

Burado na pareho ang dalawang tweets na ito ni Ate Gay sa kanyang Twitter account.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng direct messaging sa Twitter, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ate Gay ngayong araw, February 10, kung kailan siya babayaran ng AOS.

Tugon niya sa aming mensahe, hindi lang ang KMJS ang nagbayad sa kanya pagkatapos niyang manawagan para sa kanyang talent fee. Pati raw ang YouLol ay nagbayad na rin.

Mensahe pa niya sa PEP.ph tungkol sa AOS, “Sa Feb. 25 daw.

“Yung jessica at youlol, tapos na, nabayaran na ako.”

ETHEL BOOBA

Hindi lang si Ate Gay ang gumawa ng apela sa pamamagitan ng social media para mabayaran sa kanilang talent fee.

Idinaan din ni Ethel Booba sa kanyang Twitter account, noong Spetember 2019, ang paniningil sa guesting niya sa ilang shows sa ABS-CBN.

Kabilang sa mga ito ang Minute To Win It at Gandang Gabi Vice.

Kalaunan, nabayaran si Ethel sa mga natagalang payments.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a now deleted tweets, comedian-singer Ate Gay expressed disappointment over delayed payments for his guest appearances in three GMA shows.
PHOTO/S: Courtesy: @ategay08 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results