Pia Wurtzbach says Rabiya Mateo has what it takes to be a Miss Universe: “I can see it in her.”

by Bernie V. Franco
Feb 10, 2021
Pia Wurtzbach (left) believes Rabiya Mateo (right) is capable of becoming Miss Universe: “You can also tell that she really wants it. Iba kasi yon, e. Importante kasi yun."
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram /Instagram (CTTO)

Nararamdaman daw ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na malakas ang laban ni Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020 pageant.

Nakita raw ni Pia ang malaking potensiyal ni Rabiya nang magkausap sila sa Queentuhan, ang online pageant talk show na kinabibilangan ni Pia, noong November 2020.

Bago pa man daw hiranging Miss Universe Philippines 2020 si Rabiya sa national pageant noong Oktubre 2020, napansin na siya ni Pia.

“Malakas ang feeling ko sa kanya. I was able to talk to her at Queentuhan.

“When I saw the preliminaries of the girls... andiyan kasi yung mga favorites.

“Aminin na natin, andiyan yung mga favorites—sila Alaiza [Malinao ng Davao], sila Michele [Gumabao ng Quezon City], ganyan, ang daming favorites…”

Hindi kabilang si Rabiya sa sinasabing favorites.

Nagkuwento si Pia sa online interview sa kanya ng former ABS-CBN writer na si G3 San Diego noong February 8.

Ibinahagi pa ni Pia ang pakikipag-usap sa kaibigang pageant enthusiast noong panahon ng prelims ng 2020 national pageant.

Continue reading below ↓

Binanggit daw ni Pia sa kaibigan na malakas ang kanyang pakiramdam kay Rabiya ng Iloilo City.

“I talked pageant to close friends and I remember messaging one of my really good friends.

“'E, si Iloilo, parang okay siya,' sabi kong ganun.”

Tiniyak daw ni Pia sa kausap na may laban si Rabiya kahit hindi matunog ang pangalan nito noong pre-pageant.

“'Tapos, a few days later, she won. ‘Tapos parang sabi ko, binalikan ko siya. Sabi ko, ‘Alam mo iba, e. Iba yung dating niya, e, Iba siya. Iba siya, Mars,’ gumanun ako.”

Sabi pa ni Pia, advantage kay Rabiya na sumabak siya sa pageant sa panahon ng pandemya.

“I think it’s an advantage for her that she won and competed at this challenging time, during a pandemic.

“Kasi we don’t know how Miss Universe is gonna be, whether it’s gonna be very strict, walang audience na naman.

“Baka maging same siya o maging similar siya to Miss Universe Philippines.

Continue reading below ↓

"But at least, she [Rabiya] was able to compete already with those challenges, di ba?” katuwiran ni Pia.

May usap-usapang gaganapin ang Miss Universe 2020 sa Marso, subalit wala pang kumpirmasyon tungkol dito.

PIA SAYS RABIYA HAS WHAT IT TAKES

Mas madali na rin daw para sa candidates ngayon kumpara noong panahon ni Pia.

“And I think she has a good team guiding her,” ani Pia.

“Everybody in the Philippines is willing to help anyway—with the Q&A, with the walk, with the styling, with the makeup.

“Nung year ko, medyo sariling sikap ako, e. Kami nung batch namin nung mga five, six years ago, medyo sariling sikap.

“But now, all eyes on us and everybody is willing to help, so I know that she’s getting all the help that she can get.”

May isa pa raw obserbasyon si Pia kay Rabiya.

“You can also tell that she really wants it. Iba kasi yun, e. Importante kasi yun…

Continue reading below ↓

“Parang hindi ka dapat napipilitan sa posisyon na ‘yan.

“You also have to be ready with the responsibilities and really want it.

“And I can see it in her.”

Malaking bagay rin daw na hindi pinangingilagan ni Rabiya ang Q&A.

“She answers well, which is very important. She’s very smart and it’s also very important with Miss Universe nowadays.

“Kasi they go through these so many rounds of question and answer.

“And ang ganda din niya, so I’m really excited for her to compete.”

PIA wurtzbach'S ADVICE TO RABIYA mateo

Sabi pa ni Pia, tuluy-tuloy ang komunikasyon nila ni Rabiya.

Dahil former Miss Universe, binibigyan ng advice ni Pia si Rabiya.

“I message her from time to time, although I don’t wanna overwhelm her with advice.

“Pero the last time I messaged her was when she was going through this thing, with some fans of another country who kinda were, like, ‘ganging up’ on her.”

Continue reading below ↓

Noong December 2020, nag-post si Rabiya via Instagram para klaruhin ang maling paratang ng Indonesian pageant fans.

Pinaratangan ng mga ito si Rabiya na may attitude problem dahil sa edited video.

Ito raw ang advice ni Pia: “I messaged her, ‘You know, it happens. Unfortunately, this is not the first and last time this might happen to you. Pero pag nalampasan mo na lahat ito, sisiw na lang ang Miss Universe sa 'yo.’

Pagpapatuloy ni Pia, “She’s very game when I message her.

"She also receives it very well and she’s always interested to hear more advice, and more insights.

“And that’s also what I love about her. Parang she’s a learner and she’s always very curious.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Wurtzbach (left) believes Rabiya Mateo (right) is capable of becoming Miss Universe: “You can also tell that she really wants it. Iba kasi yon, e. Importante kasi yun."
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram /Instagram (CTTO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results