Ben&Ben’s Paolo Benjamin Guico: “Move on na tayo sa paggamit ng ‘bakla’ bilang insulto”

by Jet Hitosis
Feb 10, 2021
Paolo Benjamin wearing dress
Indie folk-pop band Ben&Ben lead singer Paolo Benjamin Guico on February 8 posts these mirror selfies with the powerful message: "be comfy in your own skin."
PHOTO/S: @paolobenjamin_ on Instagram

Hindi tamang gamitin ang salitang “bakla” para insultuhin ang kapwa tao.

Ganito ipinagtanggol ni Paolo Benjamin Guico, isa sa lead singers ng indie folk-pop band na Ben&Ben, ang mga miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, and transgender) community matapos siyang mahusgahan ng ilang netizens dahil sa kanyang latest Instagram post.

Lunes, February 8, nang i-post ni Paolo ang dalawang mirror selfie niya.

Sa unang litrato, nakasuot si Paolo ng makulay na bestida at naka-boots.

Sa pangalawa, suot naman ni Paolo ang isang dark blue shirt na naka-tuck in sa gray pants, at naka-leather shoes.

Mababasa sa caption ni Paolo (published as is): “be comfy in your own skin”

Continue reading below ↓

SOME NETIZENS CALL PAOLO “BAKLA,” “MARS,” “SIS”

Sa comments section, tumanggap ng maraming heart emojis ang post na iyon ni Paolo.

Gayunman, kapansin-pansin na ang ilang komento ay malinaw na nanunuya sa unang picture ng singer na nakasuot ng bestida.

May tumawag kay Paolo ng “bakla,” “mars,” at “sis."

Bukod pa rito ang isang lalaking netizen na diretsahang nambastos sa singer.

netizens call paolo benjamin bakla

Continue reading below ↓

Ngayong Miyerkules, February 10, inilahad ni Paolo sa serye ng tweets ang saloobin niya tungkol sa mga natanggap na reaksiyon ng kanyang post.

Sinabi ng singer na hindi dapat hinuhusgahan ang kasarian ng isang tao batay sa suot na damit.

“KIDS, BE FREE TO BE YOURSELVES”

Para kay Paolo, napag-iiwanan na ang Pilipinas sa aspetong umiiral pa rin sa ating kultura ang gender stereotypes.

Tweet ni Paolo: “never assume anyone's gender based on the clothes they wear.

“hay pilipinas, ang layo pa natin *sigh*”

Continue reading below ↓

Binigyang-diin pa ng singer na “mali ang mag-assume na ang isang bagay o gawain ay panlalaki o pambabae lamang.”

Malinaw na ang tinutukoy ni Paolo ay ang pagsusuot niya ng bestida.

Nahusgahan siyang gay ng ilang netizens dahil lang nagsuot siya ng damit pambabae.

Dahil dito, may mensahe si Paolo sa kabataan na maaaring makaranas ng diskriminasyon dahil lang sa kanilang gender preference.

Sabi ni Paolo: “kids, be free to be yourselves.

“don't let anyone bring you down.”

Continue reading below ↓

“I WILL FIERCELY FIGHT FOR OUR LGBT FRIENDS”

Sa huli, hiniling ni Paolo na “sana'y makamove-on na tayo bilang bansa sa paggamit ng ‘bakla’ bilang insulto.”

Aminado ang singer na bilang “heterosexual male,” pupuwedeng sabihin na wala siya sa posisyon upang magmalasakit sa mga miyembro ng LGBT community.

Pero tiniyak ni Paolo: “i will fiercely fight for our LGBT friends and listeners.”

Mensahe pa ni Paolo sa LGBT people: “you are valid, accepted and loved.

“Pilipinas, let's grow up!”

Continue reading below ↓

Bukod kay Paolo, lead singer din ng nine-member band na Ben&Ben ang twin brother niyang si Miguel Benjamin Guico.

Ang Ben&Ben ang nagpasikat ng mga awiting “Kathang Isip,” “Maybe The Night,” “Ride Home,” "Leaves," at marami pang iba.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Indie folk-pop band Ben&Ben lead singer Paolo Benjamin Guico on February 8 posts these mirror selfies with the powerful message: "be comfy in your own skin."
PHOTO/S: @paolobenjamin_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results