Anne Curtis, Erwan Heussaff, daughter back in the Philippines; undergoing 14-day quarantine

by Bernie V. Franco
Feb 10, 2021
Erwan Heussaff (right) announces on Instagram that he, wife Anne Curtis, and their baby are back in the Philippines after a year in Australia.
PHOTO/S: @erwann on Instagram

Nakabalik na ng Pilipinas si Anne Curtis, ang mister niyang si Erwan Heussaff, at ang kanilang anak na si Dahlia.

Kinumpirma ito ni Erwan sa pamamagitan ng Instagram ngayong Miyerkules, February 10.

Anim na araw nang naka-quarantine sina Anne sa kanilang tinutuluyang hotel dito sa Pilipinas.

Ipinost ni Erwan sa Instagram ang 19-second long video na compilation ng random video clips na nagpapakita ng biyahe nila pabalik sa Pilipinas.

Kasama rito ang kanilang flight, ang traffic na sinuong papunta sa hotel, at ang mga pinagkaabalahan nila sa hotel habang naka-quarantine.

Nakita rin sa video ang pagsasailalim ni Anne sa swab test.

Binibilang na lang ni Erwan ang nalalabing araw para matapos ang kanilang 14-day isolation.

Sabi niya sa caption, “Melbourne to Manila and 6 days hotel quarantine done [check emoji] 8 days of Home Isolation to go."

Sa Instagram Story ay ipinost din ni Erwan ang parehong video.

Tanging caption niya: “Home after 1 year!”

Continue reading below ↓

Erwan Heussaff hotel quarantine

Erwan Heussaff landed in PH

Continue reading below ↓

ANNE CURTIS IN AUSTRALIA

Lumipad papuntang Australia sina Anne at Erwan noong December 2019.

Ipinanganak ng It’s Showtime host ang kanilang panganay noong March 2, 2020.

Dahil nagkataong may pandemya, tumagal sila sa Australia ng isang taon.

Sa isang online interview noong September 2020, ipinaliwanag ni Anne kung bakit nagdesisyon sila ng asawang huwag munang bumalik sa Pilipinas matapos manganak.

“Given the current situation, na-extend talaga yung stay namin dito because, I mean, if it was just me, no problem. Kaya kong lumipad anytime.

“Pero now, I have a little life to think of and she is the top priority. Her safety is the top priority and her health.”

Pagkakataon naman daw ito para sa actress-TV host na pamilya muna ang pagtuunan niya ng pansin.

“Honestly, the silver lining of it all is that Dahlia gets both of her parents 24/7. Pareho kami.

“I think that’s the beauty of what’s happening now.

Continue reading below ↓

“We get to spend so much time with her. All of our hours are just dedicated to Dahlia.”

Samantala, sunud-sunod naman ang pagbati ng mga kaibigan ni Erwan sa pagbabalik nilang mag-anak sa Pilipinas.

Kabilang sa mga nagpaabot ng mensahe ang kanyang brother-in-law na si Nico Bolzico, ang kanyang sister-in-law na si Jasmine Curtis-Smith, at mga kabigang sina Mikey Bustos at Brandon Vera.

Nico Bolzico welcome back Erwan Heussaff

Continue reading below ↓

brandon vera, jasmine curtis welcome back Erwan Heussaff

Mikey Bustos welcome back Erwan Heussaff

Continue reading below ↓

Wala namang recent post si Anne na nagpapahayag na nakarating na sila sa Pilipinas.

Nagpahayag naman ng excitement ang fans ni Anne na makabalik na siya sa It’s Showtime pagkatapos ng kanilang quarantine.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erwan Heussaff (right) announces on Instagram that he, wife Anne Curtis, and their baby are back in the Philippines after a year in Australia.
PHOTO/S: @erwann on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results