Ngayong nalalapit na ang COVID-19 vaccine rollout sa Pilipinas, pinag-aaralan na raw ni KC Concepcion ang katangian ng bawat bakuna.
Sa kanyang Instagram account kahapon, February 10, umaasa si KC na maibibigay nang libre sa bawat Pilipino ang mga bakuna katulad sa ibang bansa.
Saad niya, "Me trying to learn about every vaccine available out there- and trying not to look stressed.
"Have you guys spoken to your doctors about this? I’m also hoping vaccines will be offered for free to all Filipino citizens, like they are in other countries, if they are safe, handled well, and more than 90% effective..."
Kailangan din daw niyang mag-research ukol sa efficacy ng bakuna dahil nagkalat ang mga maling impormasyon sa social media.
Ani KC, "Ang dami kasing misinformation or conspiracy theories, pero ang dami din naman solid na science behind the facts to all our questions. Lots to learn."
View this post on Instagram
VACCINE SCARE?
May ilang followers si KC na nagkomento at kanyang sinagot.
Sabi ng isa niyang follower, "D2 sa Bahrain free ang rapid test at vaccination.. Sana din jan sa Pinas ganun."
Tugon ni KC, "Yes kami sa Taguig free din ang PCR - and other cities as well.
"Sana nationwide movement nga ang free vaccination hindi na naman siguro dapat ma charge mga Filipino citizens for that... We’ll see."
Tugon sa kanya ng nasabing follower, sana nga ay maging available sa lahat ang bakuna nang libre.
Umaasa rin itong hindi matatakot ang mga tao sa bakuna para sa COVID-19.
Ayon sa isa pang follower, sa United Arab Emirates (UAE) ay may nahawaan pa rin daw ng COVID-19 kahit nabakunahan na sila ng first dose ng bakuna.
Karamihan sa COVID-19 vaccines ay may dalawang doses. Matapos maiturok ang unang dose ay maghihintay muna ng dalawampu't isang araw ang mga nabakunahan para maturukan ng ikawalang dose.
Sagot ni KC, may mga lumalabas daw na pag-aaral na may mahahawaan talaga ng sakit kahit nabakunahan na sila ng unang dose.
Aniya, "Usually after the first dose palang yan, they can get infected between the first and second doses according to sources."
Inaasahan ang pagdating sa Pilipinas ng mga bakuna mula sa COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) facility ng World Health Organization (WHO) sa ikatlong linggo ng Pebrero.