Janella Salvador, Markus Paterson return to the Philippines with their baby

by Bernie V. Franco
Feb 11, 2021
Janella Salvador (left) and boyfriend Markus Paterson (right) are finally back in the Philippines. Center photo shows Markus carrying their baby at the London Heathrow Airport.
PHOTO/S: @superjanella and @markus on Instagram

Nakabalik na ng Pilipinas ang magkasintahang sina Janella Salvador at Markus Paterson.

Kasama ng young couple ang kanilang four-month-old baby na si Jude.

Ngayong Huwebes ng hapon, February 11, nag-post si Markus sa Instagram Story ng video ng anak.

“WELCOME HOME BEAR,” simpleng caption ni Markus na sinundan ng Philippine flag emoji.

Base sa background ng litrato ng bata, tumuloy sina Markus sa isang hotel.

Bahagi ng safety protocol ng bansa na sumailalim ang international inbound passengers sa 14-day isolation bilang pag-iingat mula sa COVID-19.

Sa kanya namang Twitter account, nag-post si Markus ng emoji ng nagla-land ng eroplano, indikasyong nakarating na sila sa kanilang destinasyon.

Janella and Markus baby Jude now in the Philippines

Continue reading below ↓

Markus Paterson tweets landing emoticon

Kahapon, February 10, ipinost pa ni Markus ang video na nagpapakitang nasa London Heathrow Airport sila.

Makikita si Markus na naka-face mask at face shield at karga-karga ang anak niya.

Ipinost din niya pati na ang larawan ng eroplanong sinakyan nila.

markus paterson instagram story of arriving in the Philippines

Continue reading below ↓

Hindi nakita si Janella sa videos na ipinost ni Markus, pero ngayong gabi ay nag-post ang aktres ng larawan ng kanyang anak na nakasakay sa eroplano.

janella salvador instagram photo of baby jude in the airplane bound to Philippines

Nitong hapon, nag-post din sa Instagram si Jenine Desiderio, ina ni Janella, ng video habang naghihintay sa London Heathrow Airport.

Mapapanod na nilalaro ni Jenine ang kanyang apo na humahagikhik sa tawa.

Continue reading below ↓

Caption ng singer-actress: “Keeping Jude from getting bored [heart emoji] Lala on mascot mode [laughing emoji]”

janella salvador with baby jude

JANELLA SALVADOR PREGNANCY

August 2020 nang lumutang ang balitang buntis umano si Janella.

Pagsapit ng September 12, kinumpirma nina Janella at Markus ang kanilang relasyon via social media. Pero inilihim nila ang pagbubuntis ni Janella.

Continue reading below ↓

Nasa U.K. na noon ang dalawa, pero hindi tiyak kung kailan sila nagtungo roon.

Namalagi roon sina Janella at Markus kasama ang amang Briton ng singer-actor.

September din nang lumipad patungong U.K. si Jenine, bitbit ang 10 anyos na anak na si Russell, para makasama si Janella.

Kinumpirma sa PEP.ph ng isang source na buntis nga si Janella at manganganak ng Oktubre 2020.

Pero sa kabila nito, nanatiling tahimik ang kampo ni Janella tungkol sa kanyang pagdadalantao.

Hanggang pagsapit ng January 5, 2021, tuluyan nang inamin nina Janella at Markus na may anak na sila.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador (left) and boyfriend Markus Paterson (right) are finally back in the Philippines. Center photo shows Markus carrying their baby at the London Heathrow Airport.
PHOTO/S: @superjanella and @markus on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results