Bro. Eli Soriano, Ang Dating Daan leader, dies at 73

by Erwin Santiago
Feb 12, 2021
The Members Church of God International announces the passing of Ang Dating Daan's Bro. Eli Soriano Friday morning, February 12.
PHOTO/S: Courtesy of elisoriano.com

Sumakabilang buhay na ang televangelist na si Bro. Eli Soriano, ang lider ng religious group na Members Church of God International at host ng programang Ang Dating Daan.

Siya ay 73 taong gulang.

Inanunsiyo ang pagpanaw ni Bro. Eli sa pamamagitan ng social media pages ng Ang Dating Daan ngayong Biyernes ng umaga, February 12.

"It is with deep sadness, yet with full faith in the Almighty, that we announce the passing of our one and only Bro. Eliseo 'Eli' Soriano — a faithful preacher, brother, father, and grandfather to many," bahagi ng nakasaad sa Facebook page ng Ang Dating Daan.

Hindi binanggit kung ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nagsimula ang pangangaral ng mga salita ng Diyos ni Bro. Eli sa bayan ng Guagua, Pampanga noong '70s, hanggang sa malibot niya ang iba't ibang bahagi ng mundo gaya ng Brazil at iba pang western countries.

Sinimulan naman niya ang paghu-host ng sariling radio program noong 1980, hanggang sa magkaroon siya ng programa sa telebisyon.

Continue reading below ↓

Sa kanyang pagpanaw, tiniyak ng pamunuan ng Members Church of God International sa publiko na magpapatuloy ang mga programa at proyektong sinimulan ni Bro. Eli.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Members Church of God International announces the passing of Ang Dating Daan's Bro. Eli Soriano Friday morning, February 12.
PHOTO/S: Courtesy of elisoriano.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results