Celebrity travel planner Angely Dub traumatized after condo robbery; now “scared to live in Manila”

by Jet Hitosis
Feb 13, 2021
Angely Dub, condo robbery
Celebrity travel planner Angely Dub plans to move overseas after thieves broke into her condominium unit in Quezon City on February 6, 2021: "They didn’t do anything to me physically because I wasn’t there but they violated me and disrespected me as a human and woman."
PHOTO/S: @angelydub on Instagram

“I’m scared to live in Manila.”

Ito ang napagtanto ng celebrity travel planner na si Angely Dub matapos ang traumatizing niyang karanasan.

Pinasok kasi ng mga magnanakaw ang kanyang condominium unit sa Cubao, Quezon City, nitong February 6.

Si Angely, 30, ang Chief Executive Officer (CEO) ng Access Travel and Tours. Celebrities ang karamihan sa mga kliyente ng kanyang travel agency.

Sa sunud-sunod na posts ni Angely sa Facebook at Instagram nitong February 7, sinabi niyang nangyari ang panloloob bandang 2:00 ng madaling araw ng Sabado.

Nagkataon namang hindi umuwi si Angely sa condo na iyon noong Biyernes ng gabi, February 5.

Naisipan daw kasi niyang bumisita sa bahay ng kanyang ina “COZ I WAS FEELING SAD.”

Sa isang Instagram post, sinabi ni Angely: “I didn’t get raped nor killed, yes, [but] I could have been if I went home because I know myself I would have fought them for sure.”

Continue reading below ↓

“THEY VIOLATED, DISRESPECTED ME AS A HUMAN, AS A WOMAN”

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, kinumpirma ni Angely na kinulimbat ng mga magnanakaw “ALL MY PRECIOUS THINGS THAT I WORKED ON MY WHOLE LIFE.”

Sa interview ng ABS-CBN News kay Angely, tinaya ng lady CEO sa PHP1 million ang kabuuang halaga ng mga alahas at gadgets na sinamsam ng mga magnanakaw mula sa kanyang condo.

Bagamat tinangay rin ng mga suspek ang residency visa ni Angely sa Pilipinas, hindi raw ginalaw ng mga ito ang kanyang mga passports, “WHICH IS MY REAL WEALTH ANYWAY.”

Sa Instagram, ikinuwento pa ni Angely na ginamit daw ng mga suspek ang kanyang kama, nagsigarilyo sa loob ng unit, at “played around with my undergarments, and who knows what else they did.”

Ang mga litrato ng kanyang mattress, maging ang kalat sa lababo ay ipinost ni Angely sa Instagram Stories.

Angely Dub instagram posts on condo robbery

Continue reading below ↓

Angely Dub instagram posts on condo robbery

“They didn’t do anything to me physically because I wasn’t there but they violated me and disrespected me as a human and woman,” himutok ni Angely.

Labis daw siyang nadismaya sa nangyari, ani Angely, dahil ang condo unit niyang iyon “became my bestfriend during the pandemic because it gave me hope of starting a new life outside being a businesswoman and traveling.”

Continue reading below ↓

Bagamat sandali lang daw tumira si Angely sa condo, “this place will be haunting me my whole life- mentally and emotionally” dahil sa nangyari.

“I WAS THE 5TH VICTIM THIS 2021”

Sa serye ng social media posts ni Angely, paulit-ulit at mariin niyang kinondena ang umano’y kapabayaan at pagwawalang-bahala ng pamunuan ng condo sa kaligtasan ng tenants nito.

Continue reading below ↓

Pagbubunyag ni Angely, sa nakalipas na dalawang linggo ay apat na unit na raw sa kanyang floor sa condo tower na iyon ang pinasok ng magnanakaw.

At nangyayari raw ang panloloob tuwing weekend.

“If this happens every weekend at this property, many people will suffer, I was the 5th victim this 2021,” ani Angely.

NO CCTV CAMERAS?

Sabi pa ni Angely, hindi raw nareresolba ang mga nakawan dahil wala umanong CCTV (closed-circuit television) camera sa mga hallway ng condo tower.

Ang management daw kasi ng condo “DOESN’T HAVE BUDGET FOR CCTV CAMERAS AND SOMEONE CAN MURDER US THEN GET AWAY WITH IT LIKE NOTHING HAPPENED,” ani Angely.

Lubhang nakapagtataka raw iyon, ani Angely, dahil milyun-milyon ang halaga ng bawat unit sa condo tower na iyon.

“A big residential establishment like this without cctv cameras?

“Really. Shame on all of you!”

Tiniyak ni Angely na papanagutin at kakasuhan niya ang pamunuan ng condo dahil sa nangyari.

Continue reading below ↓

“I will sue all of you and make sure you pay everyone of us who lost our hard earned money because all of you are useless at what you do.

“You pay 3-6M to these greedy people to possibly get murdered and no can save you because they might be part of it anyway,” akusa pa ni Angely.

Continue reading below ↓

PROPERTY MANAGEMENT ISSUES STATEMENT

Sa official statement ng Amaia Skies Cubao na quoted sa media reports, sinabi nitong nakipag-ugnayan na sila kay Angely tungkol sa insidente.

Nagpaliwanag din ang management tungkol sa mga CCTV sa gusali.

Ayon kay Amaia Skies Cubao Project Development Manager Raizel Matibay: “As for the lack of CCTVs in the hallway, we take this opportunity to confirm that the project was built to be compliant with all applicable laws and regulations and that Amaia had installed CCTVs in all the required areas.”

Dagdag pa ni Matibag, nakikipagtulungan na sila sa imbestigasyon ng pulisya sa nangyari.

Tiniyak din ni Matibag na ang condo ay “implementing more stringent security measures.”

“I’M SCARED TO LIVE IN MANILA. NEVER AGAIN!”

Samantala, paulit-ulit na pinaalalahanan ni Angely ang kanyang followers na maging alerto at magdoble-ingat laban sa mga kriminal sa panahon ngayon.

Base sa sarili niyang karanasan, mas makakabuti raw na laging may kasa-kasama, sa loob o labas man ng bahay.

Continue reading below ↓

Payo ni Angely: “PLEASE BE VIGILANT AND ALWAYS BRING SOMEONE WITH YOU.

“THIS IS COMING FROM A PERSON WHO’VE TRAVELLED THE WORLD ALL BY HERSELF FOR 14 YEARS.”

Pinayuhan din niya ang mga tulad niyang nakatira sa condo: “PLEASE TRIPLE LOCK YOUR DOORS. CONDOS ARE NO LONGER SAFE.”

Dahil sa nangyari, plano raw ni Angely na sa ibang bansa na lang manirahan at tuluyan nang lisanin ang Pilipinas.

Iyon ay kahit sa Pilipinas isinilang at lumaki si Angely.

“I’M SCARED TO LIVE IN MANILA. NEVER AGAIN!

“PEOPLE ARE BAD!!! REALLY BAD.”

Angely Dub afraid to live in Manila

Continue reading below ↓

Batay sa update sa Instagram Stories ni Angely, bumiyahe siya patungo sa bansang Tanzania pagkatapos ng insidente.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity travel planner Angely Dub plans to move overseas after thieves broke into her condominium unit in Quezon City on February 6, 2021: "They didn’t do anything to me physically because I wasn’t there but they violated me and disrespected me as a human and woman."
PHOTO/S: @angelydub on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results