Did Juliana Gomez and fencer Miggy Bonnevie-Bautista go to the beach together?

by Bernie V. Franco
Feb 15, 2021
Did Juliana Gomez, daughter of Richard Gomez and Lucy Torres-Gomez, go to the beach with rumored boyfriend and fencer Miggy Bonnevie-Bautista?
PHOTO/S: @gomezjuliana on Instagram / Facebook (Miggy Bautista)

Magkasama bang nagpunta sa beach si Juliana Gomez at ang national fencing athlete na si Miggy Bonnevie-Bautista?

Sa latest Instagram posts ng dalawa na ilang araw lang ang pagitan, makikita ang kani-kanilang larawan na nasa beach.

Kahapon, February 14, nag-post sa Instagram si Miggy ng kanyang series of photos na nasa dagat. Wala siyang caption sa kanyang Instagram post.

Two days ago naman ay nag-post si Juliana ng larawan niyang nasa dagat din

Tila stolen shot ang photo ng dalaga, kung saan makikitang nakatalikod siya at abalang tinitingnan ang kanyang cellphone.

“Ormocana” tanging caption ni Julia.

Miggy Bonnevie-Bautista, Juliana Gomez beach photos

Continue reading below ↓

VALENTINE'S DAY

Tila magkasama naman nitong Valentine's Day ang dalawa.

Kahapon, nag-post sa Instagram Story si Miggy ng larawan nila ni Juliana.

Si Juliana ang 20 anyos na anak nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez.

Binati ni Miggy si Juliana sa mismong Araw ng mga Puso.

Tila throwback ang selfie photo na ipinost ng binata, kung saan nasa likuran niya si Juliana na natatakpan ang kalahating mukha.

Caption ng fencer: “HVD [heart emoji] @gomezjuliana see you in a few”

Miggy Bonnevie-Bautista valentines post for Juliana Gomez

Continue reading below ↓

Umugong ang pag-uugnay sa dalawa nang i-post ni Miggy ang mga larawan nila ni Juliana sa social media.

Bakas sa mga larawan ang pagiging sweet ng dalawa na nakaupo sa sofa.

MIGGY'S CONSTANT PRESENCE IN JULIANA’S INSTAGRAM POSTS

Noon pa lang December 26, 2020 ay nag-post si Miggy ng mga larawan nila ni Juliana, at tila magkasama silang nagdiwang ng Pasko.

Miggy Bonnevie-Bautista christmas post with Juliana Gomez

Continue reading below ↓

Kung titingnan naman ang mga post ni Juliana ay madalas ding mag-like at magkomento si Miggy, lalo na simula noong December 2020.

Narito ang ilan sa recent Instagram captions ni Juliana sa kanyang mga post, at makikita ang pagre-react ni Miggy:

Juliana, Miggy instagram comment exchange

Juliana, Miggy instagram comment exchange

Continue reading below ↓

Juliana, Miggy instagram comment exchange

Juliana, Miggy instagram comment exchange

Continue reading below ↓

Juliana, Miggy instagram comment exchange

Hindi pa nagpo-post si Juliana sa Instagram ng larawan kung saan kasama niya si Miggy.

JULIANA gomez AND MIGGY bautista MORE THAN FRIENDS?

Bukod sa pagpo-post ni Miggy ng mga larawan nila ni Juliana na very close sila, wala pa silang direktang pag-amin kung magkarelasyon na sila.

Pareho silang miyembro ng Philippine Fencing Association at magkasamang nagti-training sa fencing.

Continue reading below ↓

Si Miggy ay nag-aaral sa Ateneo de Manila University at nanalo na ng mga medalya sa fencing sa national at international competitions.

Sa kanyang Instagram profile, binanggit ng binata na pangarap niyang maging Philippine fencing representative sa Olympics.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Did Juliana Gomez, daughter of Richard Gomez and Lucy Torres-Gomez, go to the beach with rumored boyfriend and fencer Miggy Bonnevie-Bautista?
PHOTO/S: @gomezjuliana on Instagram / Facebook (Miggy Bautista)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results