Ai-Ai delas Alas's love advice to all the singles: “Huwag mawalan ng pag-asa sa buhay”

by Arniel C. Serato
Feb 15, 2021
Ai-Ai delas Alas love advice
Ai-Ai delas Alas on husband Gerald Sibayan: "Nakita nyo naman asawa ko, bagets. So hintay-hintay niyo pa rin. Baka naman hindi pa ipinapanganak yung magiging jowa niyo.”
PHOTO/S: Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram

“Intay-intay lang tayo sa gift ni Lord.”

Ito ang bahagi ng payo ni Ai-Ai delas Alas, 56, sa mga single.

Noong February 11, hiningan ng GMA News Online ng payo ang Owe My Love stars, kabilang na si Ai-Ai, tungkol sa mga taong walang karelasyon ngayon.

Saad ng komedyana, huwag mawalan ng pag-asawa ang bawat isang nangangarap makahanap na ng kanilang karelasyon.

Ibinigay na halimbawa ni Ai-Ai ang sarili.

Aniya, “Wag kayong mawalan ng pag-asa, nakita niyo naman ako, di ba?

“Sino ba naman mag-aakala na makakapag-asawa pa ako?

“Nakita niyo naman asawa ko, bagets. So hintay-hintay niyo pa rin. Baka naman hindi pa ipinapanganak yung magiging jowa niyo.”

Ni-repost ni Ai-Ai ang quote niyang ito sa kanyang Instagram account.

Sabi niya sa caption, dumating siya sa puntong ayaw na niyang magmahal pagkatapos ng ilang masalimuot na relasyon.

Saad niya, “Good morning ... naalala ko tuloy dumating ako sa point na sabi ko sarili ko ayoko na talaga magmahal-- alagaan ko nalang kayo sabi ko sa mga anak ko ..

Continue reading below ↓

“Sabi nila. ‘Naalagaan mo na kami mommy malalaki na kami lahat. sarili mo naman ang isipin mo.’”

Sabi rin daw ng panganay niyang anak na si Sancho delas Alas, mayroon talagang dadating para sa bawat isa.

Dagdag niya, “At ito ang tumatak na sinabi ni Sancho saken, ‘HUWAG KANG MAWALAN NG PAG ASA MA MAY DADATING AT DADATING SAYO NA TALAGANG BINIGAY PARA SAYO.’

“Sa isip-isip ko, ‘Meron paba???’ Aba meron nga so tama ang anak ko hwag mawalan ng pag asa sa buhay .. intay intay lang tayo sa gift ni lord and maligayang araw ng mga puso... @sanchovito

AI-AI delas alas-GERALD sibayan RELATIONSHIP

Ang boyfriend pa lang noon ni Ai-Ai na si Gerald Sibayan ang nagkumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng relasyon nila ng Comedy Concert Queen.

Si Gerald ay dating star player ng badminton team ng De La Salle University (DLSU). Huli siyang naglaro para sa kanilang koponan noong Agosto 2014.

Continue reading below ↓

Twenty years old pa lamang si Gerald noong naging karelasyon niya si Ai-Ai. Siya ay 26 years old na ngayon.

Si Ai-Ai ang tumatayong manager ng badminton team ng La Salle, kung saan din nag-aaral ang panganay niyang anak na si Sancho.

Ginanap ang kasal nina Ai-Ai at Gerald sa Christ the King Church, Greenmeadows, Quezon City, noong December 12, 2017.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on husband Gerald Sibayan: "Nakita nyo naman asawa ko, bagets. So hintay-hintay niyo pa rin. Baka naman hindi pa ipinapanganak yung magiging jowa niyo.”
PHOTO/S: Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results