Bea Alonzo on actor she slapped on the set: “Minamaliit niya yung pagkababae ko.”

by Bernie V. Franco
Feb 16, 2021
Bea Alonzo was asked about the co-actor she slapped in the face: “Dapat equals kayo, e. Artista ka, artista rin siya. You’re equals, not because you’re a man, you’re more important than I am.”
PHOTO/S: PR Photo

Nagbigay na ng dagdag na detalye si Bea Alonzo, 33, tungkol sa aktor na sinampal niya sa set ng isang proyektong pinagsamahan nila.

Nagsimula ito nang aminin ni Bea sa kanyang YouTube video, kasama si Angel Locsin, na in-upload noong February 6, na “nasampal” niya ang aktor na ito.

Naglaro sina Bea at Angel ng “Never Have I Ever,” kung saan aamin sila sa mga tanong na ibabato sa kanila.

Ganito ang isang tanong: “Slapped someone in real life.”

Sagot ni Bea: “I have. Sa set pa.

"Pinull ko siya sa other room, ‘tapos na-slap ko siya.

“Kasi may sinabi siya sa akin na medyo… talagang nayurakan ang pagkababae ko.”

Hindi raw pinagsisisihan ni Bea ang ginawa niyang iyon.

“So, na-chika sa buong set. Pero okay lang.

"They didn’t take it against me, kasi nga, alam din nila yung nangyayari."

Muling inusisa si Bea tungkol sa insidenteng ito nang makausap siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa isang virtual interview noong February 11.

Continue reading below ↓

Lahad ni Bea, “May nasabi kasi siya sa akin nun, e, tungkol sa ano ko, parang…”

Saglit na nag-alinlangan ang aktres. “Ang hirap sabihin baka mapahamak ko siya.

"Bakit ko kasi sinabi iyon sa vlog?"

Sabay siya na rin sumagot sa tanong niya, "Kasi kailangan ano talaga, e, you have to be honest, e.”

Pagpapatuloy ni Bea, “May nasabi siya tungkol sa pagiging babae ko.

"Hindi siya anything sensual or hindi siya ano, ah...

“Parang feeling ko minamaliit niya yung pagkababae ko. So, nasampal ko siya.

"Parang empowered woman tayo dapat.”

Para kay Bea, hindi dapat ginagawang excuse ang kasarian pagdating sa sukatan ng kakayahan ng isang tao, at sa pagbibigay ng respeto.

“Parang may sinabi siya about me being sensitive because I am a woman.

“Parang I’m being emotional just because I’m a woman, parang ganun,” sabi ng dramatic actress.

Paglilinaw ni Bea, “Hindi naman tayo hihingi ng extra respect kasi babae ka, hindi naman ganun.

Continue reading below ↓

“Dapat equals kayo, e. Artista ka, artista rin siya.

"You’re equals, not because you’re a man, you’re more important than I am.”

Hindi pinangalanan ni Bea kung sino ang aktor na ito na kanyang nasampal.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Read More Stories About
Bea Alonzo, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo was asked about the co-actor she slapped in the face: “Dapat equals kayo, e. Artista ka, artista rin siya. You’re equals, not because you’re a man, you’re more important than I am.”
PHOTO/S: PR Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results