Sarah Geronimo on married life: “It’s rewarding na challenging.”

by Arniel C. Serato
Feb 16, 2021
Sarah Geronimo on marriage with Matteo Guidicelli: "Masyado na ngang, anong tawag dun? Long overdue? But I guess ito talaga yung plano ‘no para sa akin."
PHOTO/S: Courtesy: @matteog on Instagram

Apat na tulog na lamang ay first wedding anniversary na nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ikinasal ang dalawa sa isang secret civil ceremony sa Victory Church, The Fort, Bonifacio Global City, Taguig, noong February 20, 2020.

Sa YouTube, nagbigay ng update ang VIVA TV tungkol sa married life nina Sarah at Matteo nitong nakaraang Valentine’s Day, February 14.

Youtube screengrab: Sarah Geronimo

Continue reading below ↓

Blessing at rewarding daw para sa Pop Princess ang buhay mag-asawa.

Sabi ng 32-year-old singer-actress, “The marriage itself is a blessing, an opportunity to, yun nga, spend the rest of your life with your loved one.

“Yung napili mo talaga na makasama sa buhay, partner in life.

“It’s rewarding na challenging.”

Napagtanto rin daw ni Sarah na hindi ganun kadali ang buhay ng mga misis ngayong naranasan na niya ito.

Saad niya, "Challenging kasi siyempre, sa situation ko po, parang ito na yung big leap ko papunta ng adulting, di ba?

“Sinasabi ko nga lagi, naano siya, na-expedite.

"Masyado na ngang, anong tawag dun? Long overdue? But I guess ito talaga yung plano ‘no para sa akin."

“YOU BECOME ONE”

Dagdag pa ni Sarah, sa ngayon, ito na ang pinakamasayang parte ng kanyang buhay.

"Rewarding siya dahil yun nga kasama mo ang mahal mo sa buhay, 'tapos you have the freedom.

Continue reading below ↓

“You get to choose and decide for yourself, not just for yourself, pero ngayon, dahil may asawa ka na, for the both of you, parang you become one, as one na kayo.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo on marriage with Matteo Guidicelli: "Masyado na ngang, anong tawag dun? Long overdue? But I guess ito talaga yung plano ‘no para sa akin."
PHOTO/S: Courtesy: @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results