Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Manny Pacquiao tries the hosting arena via "Pinoy Records"

by Jun Nardo
Dec 4, 2007
Boxing champ Manny Pacquiao takes a rest from the boxing arena to take on the role of a TV host in GMA-7's new program, Pinoy Records.


Sumabak na rin sa hosting ang world boxing champion na si Manny "Pacman" Pacquiao sa bago niyang show na Pinoy Records. Mapapanood ito sa GMA-7 starting December 8, Saturday, after Wish Ko Lang.

Komo wala sa presscon ng Pinoy Records kaninang tanghali, December 4, ang co-host ni Manny na si Chris Tiu na nasa Southeast Asian Games ngayon, nasolo ng entertainment press ang Pambasang Kamao, who gamely answered all the questions, pati na intrigang bumabalot sa kanya ngayon.

Para kay Manny, mahirap din ang hosting, pero hindi raw kagaya sa boxing dahil natikman na rin niya ang paghu-host sa nakaraan niyang TV show sa isang network.

"Mahirap ang hosting sa simula. Sa paghu-host, sinasabi mo lang kaya parang madali lang. Sinasabi mo lang ang dapat ipakilala na hindi alam ng mga tao, yung kahanga-hangang Pinoy," paliwanag ni Manny.

Kung may record daw siyang gagawin sa show, 'yon ay ang pagiging magaling na host saka sinabayan niya ng malakas na tawa.

Continue reading below ↓

Ayon kay Manny, hindi limitado sa sport na boxing ang mapapanood sa kanyang programa. Marami rin daw kasing mga Pinoy na maabilidad at kahanga-hanga, kaya siguradong magugustuhan ito ng publiko.

BACK TO SCHOOL. Bukod sa career niya bilang boksingero at ngayon nga'y TV host, patuloy pa rin si Manny sa pag-aaral ng business management. Monday to Friday ang pasok niya mula 9 a.m. hanggang 5 p.m.

Continue reading below ↓
Recommended Videos



"Proud ako sa pag-i-school ko," sambit niya. "Ang nais kong iparating din, maging halimbawa ako sa mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Pinapaalam ko sa kanila na napakaimportante ng pag-aaral.

"Kahit nga ako, kahit nagtagumpay ako sa larangan ng boksing, nagawa ko pa ring ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Napakaimportante ng pag-aaral. Hindi dahilan ang edad. Para magamit mo ang natapos mo habang narito ka sa mundo," rason pa ng international boxing champ.

Gusto rin kasi ni Pacman na magkaroon ng business na personal niyang pinamamahalan kapag tumigil na siya sa boxing at ibang trabaho.

Continue reading below ↓

"Sa ngayon, wala pang business. Busy pa ako sa hanapbuhay. Gusto kong hawakan yung potensiyal na boksingero. Saka yung business na karapat-dapat na itayo ko, pero sa ngayon, wala pa akong maisip," saad niya.

FROM TWO TO SEVEN. Naranasan na ni Manny na maging Kapamilya, pero ngayon ay Kapuso na siya. Ano ang pagkakaiba.

"Ayokong i-compare yung dalawa," pag-iwas niya. Basta masaya ako na nandito ako sa Kapuso, Channel 7. I'm happy now."

Pero totoo bang may inalok sa kanya na show sa ABS-CBN?



"Alam ninyo, kapag naka-commit na ako, ayokong sirain ang commitment ko. Gusto ko yung may palabra de honor. ‘Pag sinabi, talagang doon na," sagot niya.

Pagkatapos ma-link kay Ara Mina ay ang isa pa niyang kasama sa pelikulang Anak ng Kumander ang iniintriga kay Manny ngayon—si Valerie Concepcion.



"Kayo talaga! Kasama ko lang siya sa movie!" tawa ni Manny.

Puwede na ba siyang pumarada ngayon sa Maynila?

Continue reading below ↓

"Ngayon ako paparada? Puwede. Kasali kasi yung movie namin," inosenteng tugon niya.

THE NEW "DA KING"? Ipinagmalaki ni Manny ang kanyang 2007 Metro Manila Film Festival entry na Anak ng Kumander, na siya rin ang nag-produce.

"Umiyak ako sa movie," kuwento niya. "Drama muna ‘tapos action. Umiyak ako diyan. Sa movie lang ako umiiyak. Iniyakan ko? Yung asawa ko. Joke lang 'yan!"



Dahil sa paggawa niya ng movie, binabansagan ngayon si Manny bilang bagong Fernando Poe Jr. dahil sa pagtrato niya sa production crew. Ano ang masasabi niya rito?

"Sa akin naman, kaya ginawa ko ang action [movie] na 'yan... ‘Pag comedy kasi, ilan lang ang matutulungan kong tao. ‘Pag action, maraming taong matutulungan mo na puwedeng kunin at mabigyan mo ng trabaho. So, at least, nakakatulong ako," paliwanag ni Pacquiao.

Sa tingin ba niya ay hindi siya inaabuso ng iba dahil sa pagiging galante niya?

"Hindi naman," sagot niya. "Mabait naman silang lahat. Masaya ako sa pagsuporta nila sa akin. Sana nga, suportahan nila ang movie ko para makagawa pa ako ng kasunod. Gusto ko, action pa rin. Hindi malayo na masundan."

Continue reading below ↓

Nagsalita rin si Manny sa balitang pakikipag-ayos niya kina Korina Sanchez at Cristy Fermin.

"Tapos na 'yon. Okay naman. Lahat kaming tatlo, nag-usap. Nagkaintindihan kami. Nagkaroon lang ng hindi pagkakaunawaan. Wala na akong galit. Nagkaintindihan kaming lahat," pahayag ni Manny.

Ngayong nasa GMA-7 na siya, hindi kaya magkaroon ng Part 2 yung intriga kay Manny na magpapatanggal ng radio announcer kapag nagalit siya?

"Oh, my goodness!" natatawang bulalas ni Pacman.

Read Next
Read More Stories About
Manny Pacquiao
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boxing champ Manny Pacquiao takes a rest from the boxing arena to take on the role of a TV host in GMA-7's new program, Pinoy Records.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results