Neri Naig lectures netizens who questioned her experiences as tindera: “Naglako po ako ng ulam.”

by Bernie V. Franco
Feb 20, 2021
Neri Naig: "Nasa talambuhay ko po yung naglalako ako ng ulam at nagtitinda sa Mines View bago ako mag artista."
PHOTO/S: @mrsnerimiranda on Instagram

Nangatuwiran si Neri Naig sa ilang netizens matapos kuwestiyunin ng mga ito ang pahayag ng dating aktres na isa siyang dating "tindera."

Nag-umpisa ito sa isang recent Instagram post ni Neri, kung saan pinuntahan nila ng kanyang mister na si Chito Miranda ang isang exclusive leisure-residential mountain resort sa Tagaytay.

Hinarang daw sila ng security guard at tinanong kung ano ang pakay nila roon.

Parte ng post ni Neri, “Balang araw magiging member din kami dyan at di na kami pahintuin ng mga guards at tanungin kung anong pakay namin.

"More benta pa ng tuyo, beddings, damit, pampaganda, suka, accessories, at kung ano pa ang maisipang ibenta.

“Hindi ko ikahihiya yan kung nakakpag invest naman ng properties.

“Mas magandang maging WAIS sa buhay kaysa maging maarte at ikinahihiya ang magbenta benta! At dapat focus lang sa goal.”

Instagram photo: Neri Naig, Chito Miranda in Tagaytay resort

Continue reading below ↓

Sa comments section, may ilang netizens na kumastigo kay Neri.

Sinalungat nila ang pahayag ni Neri tungkol sa hindi dapat ikinahihiya ang pagtitinda.

Ikinatuwiran ng isang netizen na “big time” ang dating aktres. Tila gusto nitong ipunto na hindi naman nagtitinda sa palengke si Neri para sabihing hindi dapat ikinahihiya ang kanyang pagtitinda.

Komento ng isang netizen: “Sus! Pano mong ikahihiya dka naman sa wet market nagttinda, may tinderat tindero ka na, celebrity pa mnsan ang client mo.

“Kumbaga bigtime tindero. Khit ako hinde ako mahhiya.”

Sumagot dito si Neri. Nilinaw nitong naranasan din niyang maglako ng mga paninda bago siya nag-artista.

Sabi niya, “Nasa talambuhay ko po yung naglalako ako ng ulam at nagtitinda sa Mines View bago ako mag artista."

Si Neri ay sixth placer sa ABS-CBN reality-based artista search na Star Circle Quest (2004), na naging tiket niya para mag-showbiz.

Pinaalalahanan din ni Neri ang netizen na huwag ismolin ang mga nagtitinda sa wet market. Base raw sa karanasan niya, asensado ang mga ito.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Ang mga nagtitinda po sa palengke ng Alfonso, karamihan po, mansion ang bahay.

“Hayaan nyo, ipagmamalaki ko sila sa mga posts ko soon.

“Nakapalibot po kase ako sa community na puro masisipag.

“Kaya siguro po kahit babad sila sa pagkakaliskis ng mga isda, wala silang reklamo, aba’y dun sila umaasenso.

“Kaysa naman ang iba, tamad na nga, di pa masaya sa success ng ibang tao.”

Netizen questions Neri Naig about being tindera

Continue reading below ↓

Neri Naig responds to netizen

Sa pamamagitan ng social media, ginagamit ni Neri ang kanyang boses para isulong ang pagiging praktikal sa buhay.

Vocal din si Neri sa pagsubok ng iba’t ibang bagay na mapagkakakitaan, katulad ng pagtitinda ng mga produkto.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Read More Stories About
Neri Naig, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neri Naig: "Nasa talambuhay ko po yung naglalako ako ng ulam at nagtitinda sa Mines View bago ako mag artista."
PHOTO/S: @mrsnerimiranda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results