KC Concepcion remembers awkward moment with Korean actor Jang Dong Gun: “Hiyang-hiya talaga ako.”

by Jet Hitosis
3 days ago
KC Concepcion, Jang Dong Gun elevator 2008
In her latest vlog uploaded on February 20, 2021, actress KC Concepcion narrates having an embarrassing moment with Korean actor Jang Dong Gun while inside an elevator in a Hong Kong hotel in December 2008.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram, Screengrab from Kristina KC Concepcion on YouTube

May hindi malilimutang encounter si KC Concepcion sa South Korean actor na si Jang Dong Gun.

At ayon sa 35-year-old actress-vlogger, may kinalaman ito sa maling paggamit niya ng pabango at sa aksidenteng pagsasabay nila ni Dong Gun, 48, sa elevator, mahigit sampung taon na ang nakalipas.

Naikuwento ito ni KC sa kanyang latest vlog nitong Sabado, February 20.

Ang vlog ay part two ng pagbibida ni KC sa kanyang perfume collection.

Nang magbigay ng tip ang actress-vlogger sa pagpili ng kalidad ng gagamiting perfume, naalala nitong banggitin ang tungkol sa hindi niya malilimutang encounter kay Dong Gun.

Si Dong Gun ang bida sa mga Korean TV series na Arthdal Chronicles (2019), Suits (2018), A Gentleman's Dignity (2012), at All About Eve (2000).

Nagbida rin si Dong Gun sa mga pelikulang Rampant (2018), My Way (2011), Taegukgi: The Brotherhood of War (2004), at Friend (2001).

THE UN-WFP EVENT IN 2008

Ang kuwento ni KC ay nangyari noong December 2008 nang dumalo siya sa Clinton Global Initiative Asian General Meeting ni former United States President Bill Clinton sa Hong Kong.

Continue reading below ↓

Imbitado si KC, gayundin ang Korean actor, sa closing ceremony ng event.

Sa seremonya kasi ay kikilalanin ang Korean actor bilang bagong goodwill ambassador ng United Nations-World Food Programme (UN-WFP) sa Korea.

Si KC ay goodwill ambassador ng UN-WFP sa Pilipinas simula 2007 hanggang ngayon.

Gayunman, nangyari ang kuwento ni KC bago pa sila sabay-sabay na nagtungo sa event.

Habang naghahanda para sa event, naisip daw ni KC na gamitin ang noon ay bagong bili niyang perfume.

Kuwento niya, “May bago akong perfume na trinay, ‘tapos tuwang-tuwa pa ako na ang bango niya.

“Pero sabi ko, hindi ko ito madadala, kasi ang laki ng bottle, e, ang liit lang nung purse na dala ko.”

THE DESIRE TO IMPRESS DONG GUN

Dahil excited na makikita sa event ang “number one artist lang naman nung time na yun sa South Korea,” naisip ni KC na gusto niyang mag-iwan siya ng impression kay Dong Gun sa pamamagitan ng scent ng kanyang pabango.

Continue reading below ↓

Sa pagitan ng pagtawa, kuwento ni KC: “Sabi ko, ‘totodo ko na ‘to.’ Kasi mahaba pa yung gabi ko.

“Totodo ko na ‘to! Kailangan mabangung-mabango ako.

“Kailangan maalala niya [Dong Gun] talaga ako.

“They say kasi you have to have your own scent na pag naamoy ng tao yun, they will only remember you.

“Kahit wala ka sa room na yun, maamoy lang nila yung perfume na yun, they will remember you.”

Pagkatapos, tawa nang tawang iminuwestra ni KC kung paano siya nag-spray ng pabango sa buo niyang katawan para sa event.

“Perfume ako, lahat, lahat. Hindi ko sinunod yung mga rules."

Ang tinutukoy ni KC na rules ay ang paglalagay ng pabango sa magkabilang pulso at sa likod ng mga tenga.

“Hanggang paa, hanggang… lahat. As in, kung saan may balat, nag-spray talaga ako.

“Pati yung purse ko, inisprayan ko.

“Sabi ko, ‘kailangan mag-last ito,” kuwento ni KC.

THE EMBARRASSING MOMENT IN THE ELEVATOR

Paglabas sa kanyang hotel room para pumunta sa event, nagulat daw si KC nang bumukas ang elevator.

Continue reading below ↓

Kasama raw kasi sa mga nasa loob ng elevator sina Clinton at Dong Gun.

“Pag press ko ng elevator… sila yung laman ng elevator.

“Alam niyo ba, hiyang-hiya talaga ako.

“Sabi ko [sa sarili ko], ‘shet, ang bango ko!’”

Saglit na huminto si KC sa pagkukuwento para tumawa.

“Talagang… kunwari walang nangyari, guys,” ani KC.

Ni-reenact ng actress-vlogger kung paanong sa mahinang boses ay binati raw niya ng “good evening” ang mga nasa loob ng elevator.

“Pumasok ako ng elevator, nagsara ang elevator.”

Kuwento ni KC, ilang segundo pagkasara ng elevator ay napaubo raw si Dong Gun.

Natatawang ginaya pa ni KC ang pag-ubo-ubo ng Korean actor.

KC Concepcion, Jang Dong Gun

Continue reading below ↓

Sabi ni KC: “Alam niyo, hindi ko na lang siya tiningnan.

“Alam kong ako yung sanhi ng pagkaubo niya sa elevator.”

“NAUBO SIYA AND THEN HINDI NIYA AKO PINANSIN”

Ayon kay KC, iyon daw ang una at huling beses na ginamit niya ang hindi pinangalanang perfume.

“Talagang isinumpa ko na yung perfume na yun.

“Yung perfume na akala ko nakakaganda, tinapon ko na, kasi hiyang-hiya talaga ako,” pag-amin ni KC, na hindi mapigilan ang pagtawa.

Sabi pa niya, “So, naubo siya and then hindi niya ako pinansin.”

Sa kabila ng lahat, sa isang bahagi ng seremonya ay nagkasama raw sa stage sina KC at Dong Gun.

Si KC bilang kinatawan ng UN-WFP, at si Dong Gun bilang bagong goodwill ambassador ng global organization.

Sa litratong kuha sa event, makikitang napapagitnaan ni Clinton sina Dong Gun at KC.

Jang Dong Gun, ex-US President Bill Clinton, KC Concepcion

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In her latest vlog uploaded on February 20, 2021, actress KC Concepcion narrates having an embarrassing moment with Korean actor Jang Dong Gun while inside an elevator in a Hong Kong hotel in December 2008.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram, Screengrab from Kristina KC Concepcion on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results