Rica Peralejo reveals why she had her breast implants removed; regrets stint as a sexy star

by Rachelle Siazon
3 days ago
Noong 2001, nakatambal ni Rica Peralejo ang ex-boyfriend na si Bernard Palanca sa Sa Huling Paghihintay at kapareha naman niya si Mark Anthony Fernandez sa Dos Ekis. Pinagsisihan daw ni Rica ang paggawa niya ng maseselang eksena noon.
PHOTO/S: Rica Peralejo YouTube / Web

Naging bukas si Rica Peralejo sa pagsasabing may mga bahagi ng kanyang nakaraan na lubos niyang pinagsisihan.

Isa na rito ang pagsailalim niya sa breast augmentation noong siya ay 18 years old.

"Yes! When I was 18, nagpalagay ako ng boobs," pag-amin ni Rica sa kanyang YouTube vlog noong Biyernes, February 19, 2021.

Ngayon ay 39 taong gulang na si Rica.

May netizen daw na nagtanong sa kanya kung nagpabawas siya ng kanyang hinaharap.

Kinumpirma rin ito ni Rica.

"There was a question on my Instagram account asking me, 'Did you have a breast reduction?' And then I said, 'Yes.'

"Because that's true, I had my breasts augmented. So I have my implants, and I have them removed in 2017."

Paglilinaw ni Rica, hindi niya minamasama ang ibang babaeng sumasailalim sa "boob job."

Sa kaso niya, mas kumportable raw siyang ipatanggal na lang ang kanyang breast implants apat na taon na ang nakararaan.

Continue reading below ↓

Tingin niya ay hindi naman daw niya kailangan iyon.

Paliwanag pa niya, "It's just that pag nire-recall ko kung ano ba talagang reason ko, hindi ko maintindihan. Hindi ko maalala bakit ko ginusto yun.

"So I had it removed.

"I just felt so much peace after that. It felt like, 'Ito pala talaga ako. Ito pala talaga yung katawan ko.'"

REGRETS STINT AS A SEXY STAR

Aminado rin si Rica na pinagsisihan niya ang panahong siya ay naging sexy star.

Si Rica ay 19 taong gulang nang gawin niya ang una niyang daring role sa pelikulang Balahibong Pusa (2001).

Ang Dos Ekis (2001), Sa Huling Paghihintay (2001), at Hibla (2002) ang ilan pa sa mga ginawang pelikula ni Rica na mayroon siyang mga maseselang eksena.

Pinasok daw iyon ni Rica nang hindi pinagnilayan nang maigi ang desisyong mag-reinvent ng kanyang image sa show business.

Balik-tanaw ni Rica: "That means I really bared some parts of my body and did some really horrifying, not-so-proud-of things on screen just so we can give something for our producers for a movie.

Continue reading below ↓

"Yung pagsisi ko lang din, what I did caused others to sin, or at least aggravated it or contributed to the defiling of who they are.

"That's, of course, heavy on me."

TURNING POINT IN RICA'S LIFE

Tandang-tanda ni Rica na 25 taong gulang siya nang magsimulang magbago ang buhay niya nang dumalo siya sa isang Christian service.

Mula raw noon ay mas napaigting ang pananampalataya niya sa Diyos.

Napagtanto raw niya ang mga pagkakamali niya sa buhay, at pinagsisihan ang paggawa ng maseselang pelikula noon.

Sabi ni Rica: "Baka kailangan ko lang talaga siya sa sa sarili kong puso para malaman ko na hindi ako perfect.

"At the same time, how it just really highlights the grace of God in my life.

"In a sense na He can save somebody like me and will choose to save somebody like me."

Bukod sa kanyang pagiging sexy star, tinalukuran din daw ni Rica ang mga bisyo niya noon.

Continue reading below ↓

Ani Rica, "I'm glad that I found God and that he had been, all this time, trying to pursue me."

Ang huling pelikula ni Rica ay sa Paano Na Kaya, na pinagbidahan nina Gerald Anderson at Kim Chiu noong 2010.

Sa telebisyon, ang huling acting stint niya sa Kapamilya drama anthology na Maalaala Mo Kaya noong 2013.

Ilang taon na ring hindi aktibo sa showbiz si Rica, na isang vlogger at hands-on mom.

Ikinasal siya sa Christian pastor na si Joseph Bonifacio noong January 2010.

Mayroon silang dalawang anak na may edad na anim at dalawang taong gulang.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong 2001, nakatambal ni Rica Peralejo ang ex-boyfriend na si Bernard Palanca sa Sa Huling Paghihintay at kapareha naman niya si Mark Anthony Fernandez sa Dos Ekis. Pinagsisihan daw ni Rica ang paggawa niya ng maseselang eksena noon.
PHOTO/S: Rica Peralejo YouTube / Web
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results