Janno Gibbs lashes back at Kitkat a few hours after apologizing: "Hindi ko na po kayang palampasin ito."

by Arniel C. Serato
4 days ago
Janno Gibbs Kitkat feud
Janno Gibbs on Happy Time co-host Kitkat: "Ngayong gabi ay nagpost nanaman sya. Pinalabas na wala siyang kasalanan. Hindi ko napo kayang palampasin ito.”
PHOTO/S: Courtesy: @jannolategibbs / @favkitkat on Instagram

Tila hindi pa natutuldukan ang alitan sa pagitan ng Happy Time co-hosts na sina Janno Gibbs at Kitkat.

Ilang oras matapos maibalita ang kanilang pagkakaayos, binuweltahan ni Janno si Kitkat sa Instagram.

Pinapalabas daw kasi ni Kitkat na wala itong nagawang kasalanan sa nangyaring gusot nila sa taping ng Net 25 noontime show noong February 18.

Hindi raw hahayaan ni Janno na patuloy na madungisan ang kanyang reputasyon.

Ayon sa 51-year-old singer/comedian/TV host, si Kitkat ang nag-umpisa kung bakit nauwi sa murahan at sigawan ang taping nila noong nakaraang linggo.

Pinahiya raw siya ng comedienne sa maraming tao kaya na-provoke siya.

Sabi ni Janno sa kanyang Instagram post ngayong gabi, February 23 (published as is):

“Nagpakumbaba napo ako. Tiniis ko ang pangBabash ng mga tao sa akin at sa aking pamilya.

“Humingi napo ako ng tawad, kahit na siya ang tunay na nagumpisa ng lahat.

“I was provoked. Pinahiya sa harap ng maraming tao sa studio.”

Continue reading below ↓

Kanina lang sila nagkaayos pero hindi raw matanggap ni Janno ang bagong post ni Kitkat sa kanyang Facebook na tila inabsuwelto raw nito ang sarili sa gusot nilang dalawa.

Saad niya, “Pinag-ayos napo kami kanina. Akala ko ay ayos na. Tinanggap ko napo kahit hindi niya ako sinuklian ng paumanhin.

“Ngunit ngayong gabi ay nagpost nanaman sya. Pinalabas na wala siyang kasalanan. Hindi ko napo kayang palampasin ito.”

Ayon kay Janno, nadamay na ang kanyang mga anak sa isyu kaya hindi na niya kaya pang manahimik sa isyu.

“Kailangan ko nang ipagtatanggol ang aking reputasyon at higit sa lahat ang aking mga anak, na nkatanggap din ng batikos sa mga tao.

“Oras na para malaman ng tao ang Buong katotohanan.”

KITKAT-JANNO gibbs FEUD

Nag-ugat ang away ng dalawa dahil tila napikon si Janno sa taping nila ng segment na “Kantanungan” noong February 18.

Ayon sa isang impormanteng nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), parang pinapaboran daw kasi ni Kitkat ang kalaban ni Janno sa segment, ang singer na si Marco Sison.

Continue reading below ↓

Dahil sa pangyayari, bigla na lamang daw dinuru-duro ni Janno si Kitkat at pinaulanan ng sandamakmak na mura.

Umalis daw si Janno sa studio at hindi na tinapos ang taping, kaya mag-isa na lang si Kitat na nagpatuloy ng show.

Bukas, February 24, ay live ang Happy Time, sa halip na ipalabas ang nai-tape na episode noong February 18.

Ngunit dahil sa bagong kaganapang ito, hindi tiyak kung sisipot pareho sina Janno at Kitkat para makasama ng co-host nilang si Anjo Yllana.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs on Happy Time co-host Kitkat: "Ngayong gabi ay nagpost nanaman sya. Pinalabas na wala siyang kasalanan. Hindi ko napo kayang palampasin ito.”
PHOTO/S: Courtesy: @jannolategibbs / @favkitkat on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results