ABS-CBN broadcaster Doris Bigornia suffers heart attack; will undergo surgery

by Jet Hitosis
4 days ago
Doris Bigornia, heart attack
The family and co-workers of ABS-CBN broadcaster Doris Bigornia are asking for prayers for the 55-year-old journalist. She suffered a heart attack on February 21, 2021, and will undergo an open-heart surgery.
PHOTO/S: @DorisBigornia on Twitter

Inatake sa puso at sasailalim sa open-heart surgery ang beteranong broadcast journalist ng ABS-CBN News na si Doris Bigornia.

Ito ang inanunsiyo ng kapwa Kapamilya broadcaster ni Doris, 55, na si Alvin Elchico, sa programa nila sa TeleRadyo, ang SRO, nitong Martes ng gabi, February 23.

Sina Doris at Alvin ang hosts ng SRO.

Sabi ni Alvin: “Bago po tayo mag-umpisa, dahil marami po kasi ang nagtatanong, so nagpaalam po ako sa pamilya ni Mutya ng Masa, Doris Bigornia, na sabihin po sa inyo…

“Pinapasabi lang po, ang Mutya ng Masa, siya po’y inatake sa puso noong Linggo, papuntang Lunes.”

Ayon kay Alvin, kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) ng ospital si Doris at sasailalim sa maselang operasyon.

“Siya po’y isinugod sa ospital at ngayon po’y nasa ICU. Kakailanganin po ng ano, e, open-heart surgery.”

PRAYERS FOR DORIS

Sinabi ni Alvin na conscious si Doris, at nakausap pa nga raw niya ito sa telepono.

Continue reading below ↓

“Nakakausap ko siya, conscious po si Doris, pero kakailanganin po niya yung open-heart surgery pagkatapos po ng atake sa puso,” aniya.

Sa ngalan ng pamilya ni Doris at ng mga kasamahan niya sa TeleRadyo, hiling ni Alvin ang panalangin para kay Doris.

“Ang pamilya po ay humihingi po ng panalangin.

“So, sa ngalan po ng pamilya ni Doris Bigornia, ang Mutya ng Masa, kami po sa DZMM Teleradyo ay humihingi po ng inyong panalangin.

“Ipagdasal po natin na mapagtagumpayan po ni Doris ang susuungin po niyang pagsubok,” sabi ni Alvin.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The family and co-workers of ABS-CBN broadcaster Doris Bigornia are asking for prayers for the 55-year-old journalist. She suffered a heart attack on February 21, 2021, and will undergo an open-heart surgery.
PHOTO/S: @DorisBigornia on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results