PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Padilla, Aljur Abrenica still mum about breakup rumors

Kylie Padilla posts photo of Aljur Abrenica and their sons on Instagram.
by Arniel C. Serato
Published Feb 25, 2021
According to GMA News, Kylie Padilla wants to focus on herself and her two sons with Aljur Abrenica after fulfilling all her showbiz commitments.
PHOTO/S: Courtesy: @ajabrenica on Instagram

Mali nga ba ang espekulasyon ng karamihan na on the rocks ang pagsasama ng mag-asawang Aljur Abrenica, 30, at Kylie Padilla, 28?

Kahapon, February 24, nag-post si Kylie sa Instagram ng larawan ng asawang si Aljur, na nakasuot ng inflatable dinosaur costume, habang karga-karga ang bunso nilang anak na si Axl, 1.

Tila ang nasa tabi nila ay ang panganay nina Aljur at Kylie na si Alas, 3, na hindi kita ang mukha dahil sa suot din nitong pulang inflatable dinosaur costume.

Caption ni Kylie sa post, “This (praying hands emoji)”

Nagkomento rito si Aljur ng tatlong heart emojis.

Instagram Post: Kylie with Aljur and kids

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero pagkatapos ng ilang minuto, restricted na ang comments section ng post ni Kylie kaya hindi na makikita ang mga komento rito.

KYLIE WANTS TO FOCUS ON HERSELF, TWO SONS

Sa ulat naman ng 24 Oras ng GMA-7 kagabi, February 24, may source ang showbiz reporter na si Nelson Canlas na nagkuwento sa kanyang nitong mga nakaraang araw ay nagpunta umano si Kylie, kasama ang dalawang anak, sa bahay ng ama nitong si Robin Padilla.

Bumisita rin daw si Kylie sa kapatid ng kanyang ina na si Liezl Sicangco sa Pampanga upang magbakasyon.

Ayon naman sa isa pang source, patuloy pa rin daw tinutupad ni Kylie ang kanyang endorsement commitments pero pansamantala raw muna itong hindi tatanggap ng guesting at lock-in tapings.

Kapag natapos na raw ang kanyang mga commitment sa trabaho ay hihingi ang aktres ng panahon upang magkapagpahinga at mapagtuunan ang sarili.

Challenge daw kasi kay Kylie ang pagiging hands-on mom sa dalawa nilang anak ni Aljur.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong linggo, umugong ang balitang nagkakalabuan umano ang pagsasama nina Aljur at Kylie dahil sa mga post ng aktres sa kanyang Instagram.

Pero burado na ang kanyang posts kaya baka nagkaayos na sila kung sakaling may hindi man sila pagkakaintindihan.

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa isang malapit kina Aljur at Kylie upang kunan ng pahayag, ngunit ang tanging sagot nito ay wala raw siyang alam sa kaganapan sa buhay ng mag-asawa.

Nakipag-ugnayan din kami sa malapit kay Aljur, ngunit wala rin daw itong alam sa estado ng relasyon ng dalawa.

Sinubukan din naming hingan ng mensahe sina Aljur at Kylie sa pamamagitan ng text messaging, ngunit wala pa kaming nakukuhang sagot.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to GMA News, Kylie Padilla wants to focus on herself and her two sons with Aljur Abrenica after fulfilling all her showbiz commitments.
PHOTO/S: Courtesy: @ajabrenica on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results