Andrea Torres: "Pinag-iisipan ko talaga bago ako magsalita."

by Rachelle Siazon
Feb 27, 2021
Isang masiglang Andrea Torres ang humarap sa netizens nang makipagkuwentuhan siya sa kaibigang Kumu streamer kagabi, February 26. May bahagi na kuwelang umiyak kunwari si Andrea habang nakikinig sa kaibigang kumanta ng "Fix You."
PHOTO/S: Xander Angeles via @andreaetorres Instagram / @denisemallabo Kumu

Hindi maiwasang mahiwagaan ang netizens sa pananahimik ni Andrea Torres sa mga isyung nauugnay sa hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Derek Ramsay.

Naghiwalay sila noong November 2020.

Maliban sa kumpirmasyon niya noong hiwalay na sila, hindi na muli naringgan si Andrea kung anuman ang saloobin niya sa bigong relasyon nila ni Derek.

Habang si Derek ay makailang-beses nang nagbigay ng paglilinaw sa mga nagtatanong na netizens na hindi third party ang dahilan ng breakup nila ni Andrea.

Itinanggi rin ni Derek ang haka-hakang "nawalan siya ng challenge" kay Andrea kaya sila naghiwalay.

Pero tila sadyang nasa personalidad ni Andrea ang pananahimik sa kahit anong mga isyu.

Nabanggit ni Andrea ang tungkol sa pagiging hindi masalita nang ilarawan niya ang sarili sa isang Q&A kasama ng kaibigang Kumu streamer na si Denise Mallabo.

Naganap ang kanilang Kumu streaming kagabi, Biyernes, February 27.

Tanong ni Denise: "If you can change something about yourself what would it be?"

Continue reading below ↓

Sagot ni Andrea: "Sabi kasi nila masyado raw akong ano... ano ba tamang term dun? Yung masyado hindi nagsasalita...

"Kapag kunwari, pag meron nang nagagawang hindi okay sa iyo, hindi ako yung type na magsasalita na iko-call ko attention mo. Nahihiya ako lagi."

Aminado si Andrea na minsan ay naloloka ang iba niyang kakilala sa pagiging tahimik niya sa mga sitwasyong kailangang ihayag ang kanyang saloobin.

Aniya, "Hindi ako yung type na iyong at that moment. Pinag-iisipan ko talaga bago ako magsalita."

Hangga't maaari ay iniiwasan daw niyang makasakit ng loob ng iba.

"Hindi ko rin malaman kung anong tawag dun. Pero yun palagi sinasabi sa akin, 'Bakit hindi ka nagsalita? Bakit hindi ka nag-react?'

"Pero yun nga, lagi ko kasi iniisip, 'Baka ma-offend. Huwag na nga.'"

ANDREA'S "WALLING" WHILE LISTENING TO "FIX YOU"

Walang binanggit si Andrea na kung anumang bagay na may kinalaman sa kanyang ex-boyfriend na si Derek.

Continue reading below ↓

Pero sa huling bahagi ng kuwentuhan nina Andrea at Denise, kuwelang nag-emote si Andrea na kunwa'y umiiyak habang habang kumakanta si Denise ng "Fix You" ng Coldplay.

Sa unang tingin ay posibleng mapaisip ang netizens kung may hugot din ba si Andrea sa kantang "Fix You," na tungkol sa pagbangon ng isang taong nawalan ng minamahal.

Pero walang bakas ng lungkot si Andrea, na tawa pa nang tawa habang pinakikinggan ang kanta ng paborito niyang British rock band.

Ni-repost pa ni Andrea sa Instagram Stories ang screenshot ng video kunsaan sumandal siya sa pander at kunwari ay madramang umiiyak kasabay ng kanta.

Instagram Story: Andrea Torres reposts Kumu screenshot of her doing walling

Continue reading below ↓

ANDREA WANTS TO EXPERIENCE "EAT PRAY LOVE" ABROAD

Kung anu't ano man, tila nag-e-enjoy si Andrea sa kanyang single life ngayon.

Pangarap daw niyang magbiyahe nang mag-isa sa Europe tulad ng novel-turned-movie na Eat Pray Love, kunsaan ang bida ay nag-travel sa Italy, India, at Bali, Indonesia para mahanap ang sarili matapos ang dinaanang hiwalayan sa karelasyon.

"Actually, nag-dream ako ngayon na mag-travel alone. Ang gusto ko puntahan, Europe.

"Gusto ko lang mag-ikot-ikot. Mahilig ako maglakad-lakad, mag-explore-explore.

"Gusto ko palakad-lakad sa streets... Puntahan kung ano lang maisipan ko na café at restaurants.

"'Tsaka gusto ko nakikipag-usap sa strangers pag nasa abroad ako, nag-make friends lang ako."

Tingin daw ni Andrea ay mae-enjoy niya ang alone time sa Europe.

"Magkakadikit yung mga bansa, di ba, nati-train mo lang lahat.

"'Tsaka gusto ko run uupo ka lang, magbabasa ka ng libro dun, enjoy mo lang moment."

Kahit sa lock-in taping ng upcoming Kapuso prime-time series ng Legal Wives ay na-enjoy raw ni Andrea ang mag-explore ng lugar nang mag-isa.

Continue reading below ↓

"Naligaw na nga ako sa lock-in kaka-explore ko sa location namin!" tawa nang tawang saad ni Andrea.

Sinubukan daw kasi niyang hanapin ang kalapit na lake sa lugar, pero nabigo siya.

Hirit pa niya sa pagnanais na mag-explore mag-isa, "Ine-embrace ko rin talaga Eat Pray Love, e, ano?!"

ANDREA'S THOUGHTS ABOUT LOVE

Sa huli, pinaunlakan ni Andrea ang ilang katanungan tungkol sa opinyon kung ano masasabi niyang ideal relationship.

Sagot ni Andrea, "You're just yourself. Willing din kayo mag-adjust for each other.

"Hindi yung big adjustments, ha? Yung bukal sa kalooban mo.

"Feeling ko, yun, that makes a perfect partnership."

Tanong pa ng isang netizen: mas pipiliin ba niya ang puso o pamilya?

Simpleng sagot ni Andrea, "Ay, pagka tama yung love mo, hindi ka dapat pinapapili. Kasama na dun yung family."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang masiglang Andrea Torres ang humarap sa netizens nang makipagkuwentuhan siya sa kaibigang Kumu streamer kagabi, February 26. May bahagi na kuwelang umiyak kunwari si Andrea habang nakikinig sa kaibigang kumanta ng "Fix You."
PHOTO/S: Xander Angeles via @andreaetorres Instagram / @denisemallabo Kumu
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results