Derek Ramsay, Ellen Adarna speak up about bashers of their relationship: "Hindi nga siya opinion, e, kabastusan lang talaga."

by Arniel C. Serato
Mar 4, 2021
Derek Ramsay Ellen Adarna bashers
Ellen Adarna on bashers of her relationship with boyfriend Derek Ramsay: "I cannot change how they think and what they say. So, yun lang, di ba? I'm not going to argue."
PHOTO/S: Arniel Serato

Hindi na raw apektado sina Derek Ramsay, 44, at Ellen Adarna, 32, sa bashers.

Pero ang pakiusap lang ng aktor, huwag naman sanang sobrang bastos ang bashers kapag nagkokomento ang mga ito sa kani-kanilang Instagram posts.

Partikular na binanggit ni Derek ang komentong ito ng isang bastos na basher sa Instagram post ng aktor noong February 24: "Womanizer talaga, eh haha pahinga mo naman t*t* mo @ramsayderek07 same to Ellen, ayaw ipahinga ang p*kp*k ehh. Nagtitikiman lang.. Tinikman mo."

Sagot ni Derek dito: "I hope you find joy with the words you have expressed to me and Ellen."

Ipinaliwanag ng Kapuso actor kung bakit niya ito sinagot.

Saad niya, "Sinagot ko yun kasi bastos yun, e. Pwede ka namang, you know, express your opinion kahit na hindi... negative siya sa amin.

"Pero there are proper way na sabihin, di ba? Ang daming words diyan na pwedeng gamitin.

"Goes to show kung anong pagkatao nila."

Continue reading below ↓

Para naman kay Ellen, wala na siyang magagawa kung paano mag-isip ang bashers nila.

Sabi niya, "Ganun mag-isip, e. I cannot change how they think and what they say.

"So, yun lang, di ba? I'm not going to argue. Ganun lang. Yolo [you only live once]."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Porta) sina Derek at Ellen sa bahay mismo ng aktor sa Ayala Alabang noong February 26.

Dito tinuldukan ng dalawa ang mga tanong ng publiko tungkol sa pagkakamabutihan nila.

"IT'S JUST A BALANCE"

Maraming netizens ang kinilig kina Derek at Ellen ngayong public na ang kanilang isang buwang relasyon. Pero may ilan ding hinuhusgahan sila.

Pero sabi ni Derek, "Mas maraming kinikilig kaysa nangba-bash."

Hindi rin mapigilang magparamdam ng kanilang kilig sa isa't isa ang dalawa habang kinakapanayam namin.

Tanong namin kay Ellen: masaya ba siya sa pagkakataong ito?

Balik-tanong niya, "Do I look like I am sad?"

Continue reading below ↓

Na sinegundahan naman ni Derek ng "Do I look like I am sad?"

Sumunod rito ang kanilang malulutong na halakhakan.

Dahil daw sa mga tanong ng PEP.ph ay pinagpapawisan sila kahit malamig ang aircon sa loob ng bahay ng Kapuso actor.

Kasunod nito, muling binalikan ni Derek ang topic tungkol sa bashers.

Sabi niya, "I mean, they’ll always be there. Kahit anong gawin mo, they’ll always be there. You can't make everybody happy."

Pagsang-ayon ni Ellen, "Yeah, if you have lovers, you have haters. So it's just a balance."

Sabi pa ni Derek, kung makapagbigay raw ng opinyon ang iba tungkol sa kanila ay parang ang lilinis ng buhay ng mga ito.

Saad niya, "Pero yung iba diyan, kung at least nagbibigay kami ng joy na, sa mga opinions...

"Hindi nga siya opinion, e, kabastusan lang talaga, e.

"Kung masaya sila sa mga sinasabi nila, e, di sige.

"Continue do it, at least nakakatulong kami, nagiging masaya kayo."

Continue reading below ↓

Diin pa ng actor, "Uhm, but sad lang na isipin mo, ito na nga ang pinagdadaanan ng mundo ngayon, may pandemic, na ganun pa rin ang tao.

"It’s a time na dapat tayo magkasama-sama, magtulungan.

"But, mas uunahin pa nilang maging bastos, nega.

"Okay na. Baka may pinagdadaanan [sila]."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna on bashers of her relationship with boyfriend Derek Ramsay: "I cannot change how they think and what they say. So, yun lang, di ba? I'm not going to argue."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results