Dinepensahan ni Solenn Heussaff ang sarili matapos siyang pagbintangang paggamit ng kahirapan para i-promote ang kanyang solo art exhibit.
Tinatawag din itong "poverty porn," kung saan ginagawang selling point ang kahirapan sa mga artikulo, larawan, o film para makakuha ng simpatiya at suporta.
At ito ang paratang kay Solenn, isang actress-singer at kilala rin sa pagiging painter.
solenn's Solo art exhibit
Ngayong Miyerkules, March 3, inanunsiyo ni Solenn ang pangatlo niyang art exhibit na gaganapin mula Marso hanggang Abril ng taong kasalukuyan.
Aniya tungkol sa kanyang exhibit: “Entitled KUNDIMAN, this exhibit expresses my love, appreciation and hope for our country and our people.”
Kalakip ng post ay ang kakaibang larawan ni Solenn na nakapukaw ng atensiyon ng netizens.
Nakaupo si Solenn sa isang wooden chair na nakapatong sa makulay na floor rug. Nasa likuran niya ang isa sa kanyang mga art piece.
Base sa background ng larawan ni Solenn, kinunan ito sa isang squatter’s area.
Ito ang pinuna ng ilang netizens ang larawan niya.


Pinuri siya ng isang netizen sa pagiging mahusay na artist, pero sabi rin nito, “But this photo was done in poor taste.
“Using poverty to promote your art is very insensitive. Rich people and their poverty porn.”
Mahinahon naman itong sinagot ng Kapuso actress.
Hindi raw iyon ang intensiyon niya. Pero kung kinunan daw ang larawan sa isang high-end na lugar ay tiyak na iba rin ang sasabihin sa kanya.
Sabi ng Filipino-French actress, “Sorry this is not my intentional at all.
“If this was shot in the middle of BGC then you would say I live in a bubble.”
Giit ni Solenn, mahal niya ang kanyang bansa at lahat ng tungkol dito.
“I love my country and everything that makes it what it is.
“Maybe when you see the full exhibit you will understand what im trying to bring to light.”

Tirada ng isa pa: “Poverty porn? Is this how u sell ur arts, Miss Solen?”
Paglilinaw ni Solenn: “This is not poverty porn.
“If you read my caption and get to see the whole show you will understand and not be so quick to judge.”
Pinuri ng isa pa ang pinta ni Solenn, pero hindi raw pinag-isipan masyado ang background.
Sabi naman ni Solenn, ang background talaga ang gusto niyang ipakita—na huwag magbulag-bulagan sa tunay na estado ng bansa.
Pagtatanggol ni Solenn (published as is), “its all about the background.
“Its all about not turning a blind eye to what goes on around us. Brinfing peoples story to light.”
Inusisa rin ng isa pa ang napiling background ni Solenn.
Sagot ni Solenn: “you will understand when you see the whole story.”

Prangka naman ang sagot ni Solenn sa sarkastikong komento ng isa pang netizen.
Ginamit niya sa komento ang caption ni Solenn: “’expresses my love, appreciation, and hope for your country and our people’ yup na-express mo yun kaya lang sa pagiging insensitive at bulag sa reyalidad.”
Ani Solenn: “sorry you seenit that way. What is reality to you? A perfect world? No pollution? Equality everywhere? I hope for that too.”

Mayroon ding diplomatiko ang pagpuna sa sining ni Solenn, at sinabi ng aktres na magpo-post siya ng kanyang mga gawa “for people to understand.”

