PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LOOK: Jodi Sta. Maria leaves heart emoji on Raymart's post

Jodi Sta. Maria and Raymart Santiago are now more open about their relationship.
by Arniel C. Serato
Published Mar 5, 2021
Jodi Sta. Maria Raymart Santiago Instagram post
Jodi Sta. Maria shows support for boyfriend Raymart Santiago's post featuring his co-stars in FPJ's Ang Probinsyano by commenting a heart emoji.
PHOTO/S: Courtesy: @jodistamaria / @raymartsantiago

Sa isang pambihirang pagkakataon, nagkomento si Jodi Sta. Maria sa Instagram post ng kanyang boyfriend na si Raymart Santiago.

Ngayong umaga ng Biyernes, March 5, ibinahagi ni Raymart ang larawan niya kasama ang ilang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Kasama ni Raymart sa larawan ang co-stars na sina Shaina Magdayao, John Prats, Angel Aquino, Joel Torre, Shamaine Buencamino, Jaime Fabregas, Marc Solis, Sancho delas Alas, at iba pa.

Walang caption dito ang 47-year-old actor.

Limitado ang comments section ng account ni Raymart kaya ang mga taong pina-follow lang ng aktor ang maaaring mag-iwan ng kanilang mensahe.

Unang nagkomento rito si Shaina.

Sabi niya, “(heart emoji) Family (smiling face with eyes, hearts emoji)”

Kasunod namang nagkomento rito ang girlfriend ni Raymart na si Jodi.

“Heart emoji” ang inilagay ni Jodi sa post ng nobyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bihirang magkomento o mag-like si Jodi sa mga post ni Raymart, kaya malaking bagay ito para sa followers ng dalawa.

Bukod pa rito, may dalawang parehong posts sa kanilang Instagram Stories ang magkasintahan na promotion tungkol sa isang hand sanitizer.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

CLAUDINE BARRETTO SLAMS JODI, RAYMART

Nitong nakaraang huling bahagi ng Pebrero, muling naglabas ng sama ng loob si Claudine Barretto laban sa estranged husband na si Raymart at kay Jodi sa isang panayam.

Hiniling daw kasi ni Claudine sa dalawa na abisuhan siya kapag aamin na sila sa publiko sa kanilang totoong relasyon.

Gusto raw kasi niyang ihanda ang dalawang anak nila ni Raymart—sina Sabina at Santino—para hindi raw ito mabigla.

Pero hindi raw ito nangyari nang lumabas sa media ang paparazzi shots nina Raymart at Jodi na kuha sa isang events place.

Feeling daw ni Claudine, nabastos siya ng dalawa.

Ikinapikon din daw ni Claudine nang malaman niyang nagpaalam ang dalawa sa anak ni Jodi na si Thirdy Lacson, pero hindi sa mga anak niya.

Saad niya, “Parang ang bastos niyo, di ba? Nakalimutan niyo yung mga anak ko, di ba?

“So, yun ang feeling ko. Sabi ko, hindi sa sinisisi ko si Jodi, pero part of me, oo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So knowing that, ‘O, sige, you know, may respeto pa sa akin si Jodi,’ when in fact wala talaga.

“'Yon yung ikinapikon ko. Inupo niya yung anak niya. Yung mga anak ko, kawawa."

Nauna nang inamin ni Claudine noong Enero na tinawagan niya si Jodi upang tanungin ukol sa estado ng relasyon nila ni Raymart.

Doon din niya hiniling na abisuhan siya kapag umamin na sila sa publiko.

Pero hindi raw ito natupad.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jodi Sta. Maria shows support for boyfriend Raymart Santiago's post featuring his co-stars in FPJ's Ang Probinsyano by commenting a heart emoji.
PHOTO/S: Courtesy: @jodistamaria / @raymartsantiago
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results