Sinagot ni Heart Evangelista ang isang netizen sa Twitter kung saan inakusahan siyang “entitled” at gumagamit ng “artista ako” card.
Ngayong gabi, March 7, 2021, ni-retweet ni Heart ang tweet ng netizen na nagngangalang @lucille98_.
Saad ng netizen sa tweet (published as is), “just found out that Heart Evangelista is one of those celebs who look so good on social media but is actually entitled and always uses the "artista ako" card. Eeeellllkkkkk”
Base sa sagot ni Heart sa kanya, hindi alam ng Kapuso actress kung kailan ito nangyari.
Ayon din sa kanya, hindi niya ginagawa ang paggamit sa “artista ako” card.
Tugon ni Heart, “Wait ? Where and when ? I need to know cause I don’t –“
Nabasa naman ni Heart ang reply ng isa pang netizen na nagtanggol naman sa kanya laban sa basher.
Sabi ng netizen na si @lacrooch, “Kasi nabasa niya comments sa isang tiktok. With that, I know she also believes that the earth is flat and the moon landing is fake lmao”
Reply ni Heart dito, “I don’t mean to go all out but I’m just so curious ... This is hilarious !”
Mas matatanggap din daw ni Heart kung ang naging description sa kanya ay “maarte.”
Tweet niya sa isa pang netizen, “I mean I’m not an angel so far from being perfect but I’d rather they say she’s so maarte ! Let’s just state the obvious cause I can’t deny that”
THE AIRPORT INCIDENT
Nakita naman ni Heart ang reply ni @lucille98_, na nagsabing siya ay “entitled” at gumagamit ng “artista ako” card.
Ayon sa netizen, nabasa lang daw niya sa TikTok ang comment mula sa isang cabin crew tungkol kay Heart.
Hindi naman binanggit ng netizen ang eksaktong comment na nabasa. Hindi rin ito nagpakita ng kahit anong screenshot tungkol dito.
Ito ay muling sinagot ni Heart.
Ang tanging insidenteng naaalala ni Heart sa airport ay nang magpatulong siya sa kanyang maleta.
Noong panahong ito, hindi siya maaaring magbuhat ng mabigat dahil sa kanyang kondisyon noon.
Paliwanag ng 36-year-old media personality, “Ahhh I see ... weird. Never had a bad experience on the plane - we’ll except one time I asked if they can help me with my luggage cause I just had a miscarriage and I wasn’t allowed to carry anything heavy but the guy gave me a look so I ended up doing it myself”
Patuloy ni Heart sa sumunod na tweet, “He wasn’t pinoy so he didn’t know me at all :) Baka naartehan Lang siguro sakin kasi naka heels ako:) ( most of the time)one things for sure ... I would never be ‘feelingera’”
Sumagot naman ulit ang netizen na nagparatang kay Heart na siya ay “entitled.”
Tila naliwanagan ito at sinabing hindi siya naniniwala sa kanyang nabasa sa TikTok.
Reply ni @lucille98_, “that's rude of him! and no, you don't need to explain yourself, ms. Heart :) I didn't believe it nman, I was just surprised na ksama ka doon sa list nya.”
Pero paliwanag uli ni Heart, hindi naman daw siguro rude ang cabin crew at huwag na siyang husgahan din dahil sa nangyari.
“I don’t think he’s rude :) sometimes you need to get to know the person first siguro :) natural that some people judge you :) that’s fine :) you can’t win them all :)”
Bumawi naman ang netizen na nag-akusa kay Heart at sinabing sa dami ng araw na mapapansin siya nito ay negative pa raw ang tweet niya.
Sagot naman ni Heart, “Haha sorry na :) love you back :)”
Sinagot din ni Heart ng pabiro ang isang netizen na nagsabing “unfair” ang naging akusasyon kay Heart na “entitled.”
Sabi niya, “Ok Lang yan :) usually pag sa plane tahimik Lang naman din ako cause I am most probably praying the rosary sa takot ! Ok Lang yun :)”
Minsan nang nabanggit ni Heart sa kanyang vlog na takot siyang sumakay sa eroplano kaya madalas ay nagdadasal siya tuwing may trip.
