Ikinasal na sina Sam Pinto at Anthony Semerad sa isang romantic sunset wedding nitong Lunes, March 8.
Si Sam, 31, ay dating housemate ng ABS-CBN reality franchise na Pinoy Big Brother: Double Up at dating mainstay ng GMA-7 gag show na Bubble Gang.
Si Anthony, 29, ay PBA player na bahagi ng TNT Katropa team.
Dalawang taon at pitong buwan silang naging magkasintahan.
Ginanap ang kanilang kasal sa rooftop terrace ng Conrad Manila Hotel sa Pasay City, at kita roon ang magandang view ng Manila Bay.
Dinisenyuhan ng mga bulaklak ang makeshift altar kunsaan nagpalitan ng wedding vows sina Sam at Anthony.

Ngayong Martes, March 9, inanunsiyo nina Sam at Anthony ang tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib.
Sabi ni Sam: "Forever has a nice ring to it.
"Not really a cheesy type of person buuuutttt I promise to spend the rest of my decades with you!
"I am so ready for our future to rock our world @anthonysemerad."

Sa hiwalay na post ni Anthony, buong pagmamalaking hayag niya: "I’m a married man! Excited for this new journey with you Mrs. Semerad."

Na-engage sina Sam at Anthony noon pang August 2019.
Nag-propose ng kasal si Anthony habang nagbabakasyon sila sa Queensland, Australia.

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
