Ilang araw nang proud na ipinu-post ni Sharon Cuneta sa Instagram ang kanyang mas payat na pigura.
Noong Sabado, March 13, ibinahagi ng Megastar ang kanyang OOTD (outfit of the day) para sa taping ng Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN.
View this post on Instagram
Kapansin-pansin sa mga larawang ito na malaki ang nabawas sa kanyang timbang.
Puring-puri naman ng Sharonians ang kanilang idolo sa anila’y kaseksihan nito ngayon.
Marami ring netizens ang natuwa sa tagumpay ni Sharon sa kanyang pagpapapayat.
Pero isang basher ang sumira sa good mood ng Megastar.
Komento ng basher, kung ngayon daw nag-artista si Sharon ay wala itong ibabatbat sa mas bata sa kanyang mga aktres na sina Bea Alonzo, Liza Soberano, at Anne Curtis.
Sabi ng basher" “Good thing noon ka nag artista. Kung ngayon ka sumabay kina Bea, Liza, Anne Curtis, baka di ka napansin.”
Dagdag pa nito, kaya raw sanang makipagsabayan ni Sharon sa tatlong nabanggit na aktres kung naging kamukha nito ang kanyang inang si Elaine Cuneta. Pero ang kamukha raw ng singer-actress ay ang yumaong ama nito si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta.
Pinatulan ni Sharon, 55, ang walang taste na komentong ito ng basher.
Pagmamalaki ng Megastar, "Sa dami na ng dumaan bago pa man dumating si Bea at lahat sila eh maganda na ako!"
Marunong din daw siyang kumanta, sumayaw, at umarte.
Sabi pa niya, "Nagpayaman ng producers dahil lahat ng ginawa ko sobra ang kinita. At nandito pa rin ako!
“Alam mo ang ganda sampusampera. Ang di maipaliwanag sa tao, ay yung tinatawag na X-factor.
"Puede ba ako sumikat ng di milyon ang sumuporta at nagmahal sakin? Engot.”

NETIZENS DEFEND SHARON
Marami ring tagahanga ni Sharon ang kumuyog sa basher.
Huwag daw ikumpara si Sharon kina Bea at Anne na foreigners ang mga ama.
Sabi ng isang commenter, “Si Bea at Anne ang tatay foreigner. Si Sharon pure pilipino ang magulang. But ang ganda nya di ba ?
“Kya nya makipag sabayan kahit kanino. Golden girl na siya pero tingnan mo nman maganda pa din. Ang nagiisang Megastar lahat ng pelikula blickbuster at lahat ng inendorse nya patok lahat.”

Binungangaan naman ng isang tagahanga ang "maledukadong" basher.
Sabi nito: “Pag bastos ka talaga.. bastos kang tao... mal edukado lng ang Peg mo... Wla cguro nag mamahal sayo kasi ang napaka lungkot ng buhay mo... naninira ka ng Matinong tao at ubod ng bait at pag mamahal sa kapwa...
“Nag iisip nga ako if tao kaba talaga??? C Ate Sharon @reallysharoncuneta pa ang sasabihan mo ng di maganda... ehh morethan 40 years na namumukadkad sa larangan ng pinilakang tabing...
“halos lahat ng kasabay nya xa lngnamumukod tanging sikat at visible pa until now... kahit mga new generations actress ni re-respeto c Ate Sharon tapos ikaw na wla ka man lng ambag sa mundo maninira at mag sabi ng masasakit na salita?...
“ang tawag cguro sayo.. mag kano ba bayad sayo para manira kay Mega?? Wla ka na bang makain??"

Ayon pa sa isa, mas mataas ang standard noong panahon ni Sharon pagdating sa pagtuklas ng mga artista.
Aniya, "don’t compare bea and ann kay sharon kadiri ka... kaya nga sila sumikat ngayon kasi di na mataas ang standars ngayon pwede ka ng sumikat ng walang dahilan...
“alam mo ba kung gano ka ganda si sharon??? then and now??? alam mo ba kung gano ka cute si sharon?? di na natin paguusapan ang talent sa acting and singing ha... wait sige sa acting award winning yan...
“sa singing totoong singer yan yung may music sheets ha.. hindi basta kumakanta lang... at lahat ng artistang bangitin mo sa langit at lupa... tignan mo lang kung kaya nila ang longevity ng isang sharon cuneta...”

Nagsimula ang showbiz career ni Sharon noong 1980 nang kinuha siyang exclusive contract star ng Viva Films.
Gumawa siya ng mga pelikulang halos lahat ay pumatok sa takilya, at ilang beses siyang kinoronahang Box Office Queen. Bujod dito ay nagkamit din siya ng acting awards.
Nakagawa rin siya ng maraming recording albums na tinangkilik din ng publiko at ginawaran ng pagkilala.
Sa madaling salita, wala nang kailangan pang patunayan si Sharon pagdating sa kanyang showbiz career.
