Cast of "Banal" lauds their director Cesar Apolinario

by Nitz Miralles
Dec 10, 2007
"Gusto kong ma-experience ang maidirek ng gaya niyang fresh ang ideas at sobra-sobra ang enthusiasm," says Christopher de Leon (second from left, with Paolo Paraiso, Alfred Vargas, and Paolo Contis) about their director in Banal, Cesar Apolinario.


Very impressive ang ang trailer ng 2007 Metro Manila Film Festival entry na Banal, pati ang texture ng pelikula. Hindi kataka-takang ipagmalaki ito ng mga stars ng pelikula na sina Christopher de Leon, Alfred Vargas, Paolo Paraiso, at Paolo Contis.

Sa presscon ng pelikula noong Friday, December 8, ay pinag-react ng entertainment press ang apat na aktor tungkol sa direktor nilang si Cesar Apolinario, na reporter din ng GMA News.

Si Boyet ang may pinakamagandang sinabi tungkol sa first-time director.



"Ang kaibahan ni Cesar, hindi siya madumi, laging makisig at malinis," sambit ni Boyet sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Gusto kong ma-experience ang maidirek ng gaya niyang fresh ang ideas at sobra-sobra ang enthusiasm. Kakaiba ang ideas niya, something new for me at welcome sa akin ‘yon. Happy ako na hindi masyadong de-kahon ang istorya ng pelikula. Action movie ito, but not the usual action scene na napapanood. This is a different action movie."

Continue reading below ↓



Nakakuwentuhan din sandali ng PEP si Ina Alegre, executive producer ng Banal, at masaya nitong ibinalitang may follow-up movie na ang ComGuild. Sais ang title nito at ang istorya ay tungkol sa lalaking may anim na kamay. Hindi alam ng central character kung alin sa mga kamay niya ang masama at gumagawa ng hindi maganda.

Continue reading below ↓
Recommended Videos



Si Alfred Vargas ang bida ng pelikula. Nang malaman ito ni Alfred, ang nasabi lang nito, "Totoo ba ito?"

Makakasama rin ni Alfred dito si Paolo Contis at isang American actress ang kanyang makakapareha. American director din ang kukunin ni Ina Alegre na magdirek ng pelikula na gagawing animation. Sa January next year ang scheduled shooting nito.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Gusto kong ma-experience ang maidirek ng gaya niyang fresh ang ideas at sobra-sobra ang enthusiasm," says Christopher de Leon (second from left, with Paolo Paraiso, Alfred Vargas, and Paolo Contis) about their director in Banal, Cesar Apolinario.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results