Renal failure ang ikinamatay ng veteran actress at voice talent na si Laura Hermosa, ang ina ng actress-TV host na si Tessie Tomas.
Sumakabilang-buhay si Laura sa edad na 92 sa kanyang tahanan sa Makati City nitong Martes, March 16.
Sa report ni Mario Dumaual ng ABS-CBN, magsisimula ang tatlong araw na burol ni Laura sa Arlington Memorial Chapels, Quezon City, sa Miyerkules, March 17.
Nakatakdang ihatid ang beteranang aktres sa kanyang huling hantungan sa Loyola Memorial Park sa Marikina City sa Sabado, March 20.
Residente na si Tessie ng United Kingdom, pero bumalik siya sa Pilipinas noong nakaraang buwan para dalawin ang kanyang inang dinapuan ng COVID-19.
Gumaling si Laura mula sa coronavirus pero binawian naman siya ng buhay dahil sa renal failure.
Kabilang sa di malilimutang proyekto ni Laura ay nang gumanap siya bilang ina ni Vilma Santos sa pelikulang Broken Marriage (1983).

TESSIE TALKS ABOUT HER MOTHER
Sa kanyang TessTube vlog noong nakaraang buwan, napaluha si Tessie habang nagkukuwento tungkol sa sitwasyon ng nanay niya.
Lahad ni Tessie, "I’m both happy and sad in a way.
"Happy dahil, finally, nakita ko na finally ang nanay ko at nakaligtas sa COVID, hindi ike-cremate, fighting for her life, practically…
"Hindi po siya nakakapagsalita, this makes me very sad. Kasi nung umalis ako, pumipikit lang siya pero kahit papaano, nakakapagsalita pa.
"Pero ngayon parang blank look din siya. Pero after awhile, nagigising siya na mas malaki ang mata niya 'tapos nagiging teary-eyed siya.
"Kapag kinakausap ko siya, sasabihin ko, 'Aalis na tayo, pupunta na tayo uli sa hotel, ipapasyal kita.'"
Patuloy niya, "Another thing that I learned in this experience is everything is impermanent—your youth, your beauty, your strength one day will all fade away Yun ang nakita ko sa mama ko.
"Parang nawala yung glow niya, medyo tumanda siya, and you know that it is the…nearing the end of life… journey.
"So, siguro para sa ating lahat, habang nandito tayo, habang malakas tayo, habang meron tayong kagandahan, appreciate natin ang ating sarili, self-love.
"Let us not be tough on ourselves. Let us be gentle with ourselves and just be grateful for everything that God has given to us because it will not last forever.
"One day, we’ll have to take that journey into God’s kingdom."
Noong March 6, humingi ng paumanhin si Tessie sa kanyang followers dahil on hold muna ang vlog niya dahil sa severe kidney failure ng kanyang ina.
"To keep her dignity, we will refrain from giving more details of her delicate condition. Just help us pray for God’s will for her.
"I apologize to all my TessTube followers. Hindi po muna ako makaka-vlog.
"Nalulunod po ako sa lungkot sa malubhang karamdaman ng aming ina. Umaasa po ako sa inyong pang-unawa. Maraming salamat!"