Tinawag na "parang drag queen" ng isang netizen si KC Concepcion dahil sa filter na ginamit ng aktres sa kanyang Instagram post.
Ang drag queen ay kadalasang lalaki, o isang bakla, na nagbibihis pambabae para mag-entertain sa isang kasiyahan.
Sa kanyang Instagram kagabi, March 16, nag-upload si KC ng isang maiksing video gamit ang bagong filter ng Instagram na Tinkerbell.
Ayon sa kanya, nasa location siya para sa isang trabaho.
Sa video, makikitang nilalagyan ng lipstick ang kanyang mga labi.
Sabi ni KC sa caption, “Interrupting my Stay at Home content with one post of me on set - was so nervous to go back to working on location, thanks to the rise in cases in the Philippines, but the crew swabbed, wore masks and @sanivirsmoke ‘d the place because we all gotta stay safe and get that coin. Stay healthy everyone.”
View this post on Instagram
Kabilang sa nagkomento ay ang kapwa niya aktres na si Lovi Poe.

Komento naman ng isang netizen, naging kamukha raw ni KC ang American media personality, socialite, at model na si Khloe Kardashian dahil sa "protruding lips" nito.
Tugon ni KC, “Thanks! I think she’s beautiful and I love this Tinkerbell filter!”

Ang isa naman ay nagkomento na “Parang drag queen” si KC.
Sagot ni KC dito, “Lol drag queens are amazing”
“I know” ang maiksing pagsang-ayon ng netizen.

Wala nang iba pang komentong sinagot si KC.
