“Genuine question lang po.”
Ganito tinapos ni Liza Soberano, 23, ang kanyang unang tweet nitong Lunes, March 22.
Bakas sa mga mensahe ng aktres ang kanyang pagkadismaya kaugnay ng government response sa pag-aabot ng tulong sa mahihirap sa gitna pa rin ng pandemya.
Ipinatutupad ngayon ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at mga kalapit-probinsiya dahil sa muling pag-spike ng COVID-19 cases sa bansa.
Bunsod nito, maraming Pilipino ang apektado na naman ang kabuhayan dahil sa mga restriksiyon bilang pagpapatupad ng safety protocols.
Tweet ng Kapamilya actress, “My heart bleeds for all the people who cannot afford not to go out and work.
“They literally have to choose between dying of starvation or dying of covid.
“Is our country really this poor to no be able to provide stimulus??
“Genuine question lang po.”

Ang "stimulus" na tinutukoy ni Liza ay ang stimulus check.
Sa Amerika, ito ay ang financial assistance na ipinagkakaloob ng gobyerno sa taxpayers bilang kanilang panggastos para ma-stimulate ang ekonomiya.
Hindi tuloy maiwasang ikumpara ni Liza ang local government response sa government response ng Amerika.
Sumunod na tweet ni Liza: “America has received 2 rounds of stimulus already, waiting on the 3rd.
“Covid testing is free, vaccination is free.
“Where is the support for the poor in our country?
“Madali lang naman po mag stay at home if everyone has food on the table and money to pay the bills.”
Si Liza ay isang Filipino-American.
NETIZENS' REACTION
Isang netizen naman ang kumutya kay Liza dahil sa pagkumpara nito sa Pilipinas sa Amerika, na isang First World country.
Sabi ng netizen kay Liza, “poor” ang Pilipinas “so, don’t expect that much.”
Sa kabilang banda, pinuri ng netizen ang malasakit ni Liza para sa bansa.
Hindi naman nagpadaig si Liza.
Sagot ni Liza: “So what do we do? Just sit back and wait for a miracle to happen? Pray that covid just disappears.
“I believe God works wonders but I believe that he gives us the instruments to make that happen.
“Sad thing is the instruments/decision making are not in our hands.”

May isa pang netizen na nagtanggol kay Liza at sinabing siguradong marami na namang bashers ang babatikos sa aktres dahil sa tweets nito.
Pero hindi natinag si Liza. Wala raw siyang tinatapakang tao at isa siyang taxpayer na nagpapahayag ng frustration.
Tweet ng aktres, “They probably aren’t even real people so why get hurt by their bashing?
“I’m not stepping on anybody’s toes. I’m just a tax payer expressing her frustration.”

Sa huli, hindi raw alam ni Liza kung may kahihinatnan ang kanyang ginawang pagpapahayag.
“Hayy I honestly don’t even know if my tweets/ my voice is actually doing anything.
“We can only pray for compassion now. Good night everyone! God bless all of you.
“Stay home if you can.”

SURGING COVID-19 cases
Simula March 22 hanggang April 4, sasailalim sa GCQ ang National Capital Region at mga kalapit-probinsiya, gaya ng Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal, ayon sa utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).
Kaugnay ito ng nakababahalang pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 nitong mga nakalipas na araw, na hindi bababa sa 7,000 kada araw.
Sa ilalim ng GCQ, ipinatutupad ang 10:00 p.m. to 5:00 a.m. curfew.
Hindi rin pinapayagang lumabas ng bahay ang mga edad 18 o above 65, puwera na lamang kung kailangang magtrabaho o bumili ng essentials.
Bawal muna ang mass gathering at indoor dining, at hindi iminumungkahi ang face-to-face meetings.
Noong Biyernes, March 19, nakapagtala ng 7,103 cases, na sinundan ng 7,999 cases kinabukasan.
Nakapagtala naman ng 7,757 cases nitong Linggo, March 21.
Kahapon, Lunes, naitala ang pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa bansa: 8,019.
Umabot na sa 671,792 ang total cases sa Pilipinas.
