Marco Gomez, Cloe Barreto on dealing with bashers

by Nikko Tuazon
Published Mar 31, 2021

Nitong nakaraang Huwebes, March 18, 2021, ikinuwento ng Silab stars na sina Marco Gomez and Cloe Barreto sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi rin sila nakaligtas ang sa bashers sa social media.

Ngunit natutunan naman na ng dalawa kung paano i-handle ang ganitong mga sitwasyon.

Para kay Cloe, perfect ang kanta ng all-girl group na kinabibilangan niya noon na Belladonnas, ang "Enjoy and Ride," para sa kanilang bashers.

Sabi nito, "Meron po kaming kanta diyan, 'Dedmahin mo lang sila, at huwag mong pansinin...'

Patuloy ni Cloe, "Yun po kasi parang, pag walang bashers, hindi ka makikilala.

"Parang ganun po, e. Wala, hayaan na lang natin. Opinion po nila yun, e. Kanya-kanya tayong opinion. Siguro, dedemahin ko na lang.

"Babasahin ko pero dededmahin ko lang sila, di ko sila papatulan. Tatawanan ko lang sila."

Iba't ibang negative comments na rin ang natanggap ni Marco. Pero gaya ni Cloe, dinededma na lang din niya ang mga ito.

Aniya, "Ne-experience ko naman na, lalo nung nasa Clique5 ako."

Ang Clique5 ang dating all-boys group na kinabibilangan ni Marco.

Patuloy niya, "Yung mga comment nila, 'Kala mo ang seseksi nila, kala mo ang guguwapo, ang pangit-pangit naman.'

"Daming sinasabi pero dinedema lang din namin."

Pabor din daw para kay Marco dahil mas tumataas ang views ng kanyang mga videos sa TikTok kapag nag-iiwan ng comment ang kanyang bashers.

Patuloy nito, "Ako, okey lang sa akin kahit may bashers kasi may video, may pinost ako na video, lalo sa TikTok, marami akong bashers din dun.

"[Nagko-comment] sila ng, 'Tignan mo o, akala mo ang guwapo,' 'Ang yabang-yabang naman nito.'

"Pero nag-share naman sila 'tapos dumadagdag yung views ko, yung comments ko saka likes, dislikes.

"At least, thank you, bashers. Love you too."

May na-block na rin ba silang bashers?

Sabi ni Cloe, "Siguro po kapag yung sobra na yung parang, 'Hoy, foul ka na.' Parang ganun. Kapag sobrang foul na yung comment, siguro po nagba-block talaga kami."

Ganito rin ang ginagawa ni Marco.

Aniya, "Hindi ako mahilig mag-block pag mga bashers, pero kapag sobra na, siyempre pinapakita ko una sa manager ko, pinakita ko muna sa mga kasama ko, 'Ano bang gagawin ko dun?'

"Minsan, may binlock naman ako."

Samantala, ibinahagi rin nina Marco at Cloe ang mga artistang nais nilang makatrabaho, celebrity crush, at mga dream projects. Panoorin ang mga ito sa video.

Kilalanin pa nang husto sina Marco at Cloe mamayang 8:00 P.M. sa PEP Live EXTRA!. Mapapanood ang kanilang live interview sa PEP.ph official Facebook page, YouTube channel, at Kumu.

HOT STORIES

Interviewer, Video Producer, and Editor: Nikko Tuazon

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

NOOD KA MUNA!

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results