Hindi ikinatuwa ni Geneva Cruz ang pagkukumpara sa kanila ni BB Gandanghari matapos i-post ng singer sa Facebook ang make-up transformation niya bilang Madonna sa Your Face Sounds Familiar (YFSF) episode noong Sabado, March 20.
Ayon kay Geneva, hindi dapat ginagawang katatawanan ng sinuman si BB.
Sa comments section ng kanyang Facebook post, isang netizen ang nagkomento ng ganito: “BB is that you? [four smiling face emojis]”

Hindi natuwa si Geneva sa komentong ito ng netizen.
Aniya, “Don’t make fun of BB. Not on my page. It is not funny.
“Being mean doesn’t make you better than anyone, it does not make you pretty either."
Pinasaringan din ng singer-actress ang netizen na nag-like ng komento ng isa pang netizen.

Humingi naman ng paumanhin ang nasabing netizen sa 46-year-old singer.
Sabi nito, “I’m sorry Ms Geneva, akala ko lng kc sya ang ginaya mo, kaya napatanong ako ng ganun, pasensya na po.”

Sa kanya namang Instagram, ibinahagi ni Geneva ang prosesong pinagdaanan niya para maging kamukha ni Madonna.
Sabi niya sa caption, “The process of my transformation to become the queen of pop, @madonna on @yourfaceph. #MaDonnaCruz @donnacruzofficial Haha!
"Sayang wala ka @jhonghilario sa photo kasi you had a problem with your pants as Vhong. Hehe!”
View this post on Instagram
Komento ng isa niyang follower, “Mas kamuka ka ni bb gandang hari kesa ke Madonna”
Sinagot ito ng palabang singer.
Buwelta ni Geneva, “Why the hell not? Maganda naman si BB @gandangharibb. Was your comment suppose to make me sad? Boohooo!!!! Fix your face.”
Dagdag pa niya, “Forget it, you have none. #fakeaccount”

“MUKHA KANG BAKLA SA MADONNA TRANSFORMATION”
Sa iba pang komento sa kanyang Facebook post, inihalintulad naman ng isang netizen si Geneva sa isang bakla.
Tugon ng singer, “Kapal kasi make up dahil pang stage. And may prosthetics.”

Depensa naman ng isa pang netizen kay Geneva, “So pag makapal ang makeup BAKLA na agad? Grabe ka po.”

Sagot ni Geneva sa nagtanggol sa kanya, “That’s what I was trying to say.
“Generalizing ang dating. I’m sure hindi sinasadya ni _____ maka offend. Sensya na.”

Komento pa ng isang netizen, “I don’t recognize you in your latest make over.
“My humble apology. The artist failed to show your star person in that makeup.
“Telling the truth will make you mad. It is fine than telling a lie.
“I am your fan. I want yo write a song for you.”

Tugon ni Geneva, “I don’t mind the truth. Plus, doing the makeup isn’t my job naman, why would I be mad.
“We are not supposed to look like ourselves talaga, and we are not supposed to sound or act like ourselves… which is fun for me.
“But the makeup artist did her best also. The prosthetics on the nose and the chin were not the same as Madonna’s, but at least medyo hawig naman.”

Burado na sa Facebook ni Geneva ang kanyang post.
Nitong mga nakaraang linggo, nalagay sa limelight ang singer dahil sinagot nito ang mga puna ng netizens na diumano'y matanda na siya at maitim pa ang singit nito.
