“Tough, painful and scariest 3 week battle.”
Ganito inilarawan ni Cherry Pie Picache, 50, ang kanyang laban kontra COVID-19.
Bagamat aminadong may pag-aalinlangan, nagdesisyon ang batikang aktres na i-post ang tungkol sa pagkakaroon niya ng COVID-19 para magsilbing inspirasyon.
Ibinahagi rin ni Cherry Pie ang naging armas niya para mapagtagumpayan ang virus.
Sa kanyang hashtags ay ibinahagi rin ng aktres na nagkaroon siya ng pneumonia dahil sa sakit.
“I was not sure if i should post,” bungad ng kanyang caption nitong March 25.
“Though after reflecting and praying...maybe it will be of help, send a little ray of hope and inspiration, a way to express my gratefulness and to always simply and honestly share a concrete testimony of God’s gift of faith and to just trust His loving mercy to heal and restore.”
Aminado ang Kapamilya actress na naging matigas ang kanyang ulo dahil tumanggi siyang magpaospital.
Malinaw na nag-home quarantine na lang si Cherry Pie sa panahong nagkaroon siya ng COVID-19.
Sunud-sunod ang mga taong pinasalamatan niya, gaya ng kanyang mga kaibigan, pamilya, mga prayer warriors, ABS-CBN family, at ang Dreamscape, ang content-provider subsidiary ng Kapamilya network.
“I will forever be thankful, grateful and I am blessed to have all your love, support and help in one of my yet again, tough, painful and scariest 3 week battle. Kahit po naging matigas ang ulo ko dahil ayaw pahospital”
Lubos din ang pasasalamat ni Cherry Pie sa kanyang nag-iisang anak na si Antonio “Nio” Tria.
“Anak, I am a blessed mother for having such a patient, loving, kind son. Thank you for taking good care of me. I know ‘twas not easy”
Binanggit din ng aktres ang mga kaibigan na binabasahan daw siya ng Word of God at lullaby “in one of the most difficult nights.”
Dala na rin ng kanyang kanaranasan laban sa pinangangambahang virus, gumamit ng mga makabuluhang hahstags si Cherry Pie.
Narito ang hashtags niya sa caption: #isurvivedcovid19, #isurvivedpneumonia, #boostyourimmunesystem, #staysafe, #observeprotocols, #stayhome, #wearamask, #drinkyourvitamins


